Nasa 58 na crater o dambuhalang butas ang nagsilabasan sa lupa at ilalim ng karagatan ng Arctic. Mabilis itong dumadami at napakadelikado na maaaring sisira lalo sa ating planeta. Panoorin niyo rin: Dambuhalang Sinkholes, Misteryosong Lumabas At Lumamon Ng Mga Bahay
Wednesday, July 12, 2023
Monday, July 10, 2023
Kakai Bautista, inaming crush si Stell ng SB19
Saturday, July 8, 2023
READ: Bongbong Marcos- AFP modernization to continue ‘to address present dangers’ PH is facing
Friday, June 23, 2023
Erwin Tulfo to PAL, Cebu Pac travelers: Postpone your plans or consider another international airline
Saturday, May 20, 2023
READ: Dagdag-sahod ?
Dagdag-sahod – pagkaloob nang dagdag suweldo sa mga obrero? sa oras-oras o pagbabayad na batay sa pang-araw-araw na ibinibigay sa paggawa para sa dami ng trabaho na natapos sa loob ng isang araw.
Nananatiling pinakamahirap at api ang mga obrero. Kulang sa tangkilik at kalinga sa mga nakalipas na ilang dekada ng mga nakaraang rehimen at maging ng kasalukuyang administrasyon ni Ferdinand Marcos Jr.
Sa ngayon, tulad ng marami nating kababayan na apektado ng pagtaas ng mga bilihin at linggo-linggong taas-presyo ng produktong petrolyo dahil sa ipinataw na excise tax ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, humihingi ng dagdag-sahod ang mga manggagawa. Hindi na sumapat ang minimum wage na P570.
Ipinanawagan naman sa gobyerno ng grupong Alliance of Concerned Teachers (Act) na iprayoridad ang dagdag-sahod ng mga manggagawa, lalo ng mga nasa sektor ng edukasyon.
Ayon kay Act chairperson Vladimir Quetua, dahil ito sa patuloy na pagsirit ng inflation rate sa bansa sa nakalipas na 10 buwan.
Paliit na anya nang paliit ang kinikita ng uring manggagawa dahil sa nagmamahalang mga bilihin kaya’t dapat tutukan ng pamahalaan ngayong taon ang dagdag-suweldo.
Kabilang sa mga dapat pagtuunang pansin ni Marcos Jr ang pagsertipika bilang urgent sa mga wage at salary increase bill na inihain sa Kongreso.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, hindi raw kasi maaaring basta-bastang magpatupad ng taas-sahod sa mga manggagawa kada buwan nang dahil lamang sa pagtaas ng kanilang gastusin na dulot ng walang humpay na pagsirit ng langis, dagdag-pasahe sa publikong transportasiyon at taas-presyo ng mga pangunahing bilihin.
Noong Marso 27, nagsampa ng pinag-isang petisyon sa Regional Wage Board IV-A ang 12 grupo sa paggawa sa ilalim ng Workers Initiative for Wage Increase (WIN4WIN) para sa dagdag-sahod.
Kasabay ng filing, nagsagawa ng kilos-protesta ang mga kasapi ng WIN4WIN sa labas ng tanggapan ng DOLE Regional Office IV-A sa Calamba City kung saan iginiit ng mga manggagawa ang kanilang karapatan para sa nakabubuhay na sahod.
Layunin ng petisyon na itaas sa P750 kada araw ang iba’t ibang antas ng sahod sa rehiyon. Sa ngayon, mayroong apat na “klasipikasyon” ang sahod sa Calabarzon: P470, P429, P390 at P350. Para magkaroon ng uniform minimum na sahod, kakailanganin na itaas nang P280, P321, P360 at P400 para sa iba’t ibang lugar.
“Depende sa lugar ng pagawaan, iba-iba po ang sahod dito sa aming rehiyon. Deka-dekada na pong pahirap ang wage rationalization sa mga manggagawa sa Southern Tagalog. Ngayon po, ipinapakita namin ang malawak na pagkakaisa ng mga manggagawa sa Rehiyon IV-A para magkaroon ng iisang minimum para sa lahat ng manggagawa sa Calabarzon,” ani Mary Ann Castillo, tagapagsalita ng WIN4WIN.
Giit pa ng mga manggagawa na kailangan ng dagdag-sahod para makakaagapay sila sa tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Ayon sa kanila, nabawasan nang P90 ang kasalukuyan sahod ng mga manggagawa dulot ng implasyon. Lumahok din sila sa pagkilos sa Mayo Uno para igiit at ipanawagan sa gobyerno ang kanilang kahilingan.
Binubuo ang WIN4WIN ng Metal Workers Alliance of the Philippines, Bukluran ng Manggagawang Pilipino Southern Tagalog, Kilusang Mayo Uno, Federation of Free Workers, Confederation of Filipino Workers, National Federation of Labor Unions, Drug, Food and Allied Workers Federation, Kilos na Manggagawa Southern Tagalog, TF2-Kilos Damit, Workers Assistance Center, Workers in Semiconductor and Electronics Network, at Kilusan ng Manggagawang Makabayan-Katipunan.
Ang dagdag-sahod ay hindi kusang ibinibigay; ito’y ipinaglalaban. Kaya ang pagkakaisa ng mga obrero at mamamayan ay mahalagang maabot sa pagkakaisa na isulong at kamtin mismo ang pambansang demokrasya sa bayan.
Ang dagdag-sahod ay panlunas lang sa sintomas ng isang malalang sakit. Ang sakit ay walang iba kundi ang umiiral na sistemang malakolonyal at malapyudal sa Pilipinas na nagpapairal at kumukunsinti na panatilihin ang sahod-alipin sa bansa.
Mapipigilan lang ang patuloy na lumalalang krisis na ito kapag napalaya na ang bansa sa kontrol ng mga monopolyo-kapitalista at ng mga kasabwat na naghaharing uri sa bansa. Hindi lalaya ang mga obrerong Pilipino hangga’t hindi rin lumalaya ang ating bansa.
SOURCE: pinoyweekly.org
READ: INTERNATIONAL BRANDS NA YARING PINOY
Bilib ka ba sa mga signature brand na imported? Paano kung malaman mong likha ito ng mga manggagawang Pilipino?
Alam ba ninyong maraming produktong internasyunal ang gawa sa Pilipinas? Karamihan ay yari sa Export Processing Zones (EPZs) kung saan maraming insentibo para sa mga dayuhang korporasyon at barat ang pasahod sa mga manggagawa.
Ilan sa mga sikat na brands ay ang mga sumusunod.
Apparel:
- Adidas, Under Armour, Nike, Penguin, Tommy Hilfiger (Cebu)
- Coach (Pampanga, Tarlac)
- Victoria’s Secret, Calvin Klein, Chanel (Laguna Industrial Park)
Computers, appliances at electronics:
- Fujitsu at Panasonic (Calamba City, Laguna)
- Toshiba (Laguna Technopark)
- Intel (Cavite)
- Epson (Lipa City, Batangas)
- Amkor semiconductors (Biñan City, Laguna)
- Nintendo Switch adapters
- Apple iPhone
Sasakyan:
- Toyota Innova at Vios, Mitsubishi Mirage, Honda City, Hyundai Eon at H350, Nissan Almera, Isuzu KB, TF, Fuego at D-Max (Santa Rosa City, Laguna)
- Foton (Clark, Pampanga)
Pero hindi lahat mayroong tatak na “Made in the Philippines.” Ineeksport ito sa ibang bansa para doon tatatakan. Pagbalik dito, napakamahal na! Hindi na kayang bilihin ng mga manggagawa.
Bakit ba nahihikayat silang pumasok sa Pilipinas? Bukod siyempre sa pang-world class ang obrang Pinoy, ito ang mga dahilan:
- Sagana tayo sa skilled at murang lakas-paggawa na nakapag-aral sa high school, vocational at kolehiyo.
- Istratehiko ang lokasyon ng Pilipinas para sa kalakalang Asya-Pasipiko. Naipuwesto rin ang mga EPZs malapit sa mga airport, seaport at sentrong urban.
- Mas mababang puhunan at gastos sa operasyon. Mababa ang renta, serbisyo at presyo ng mga lokal na materyales kumpara sa ibang bansa.
Samantalang P570 o nasa US$10 lang ang arawang minimum wage ng mga manggagawa—halos katumbas lang ito ng kada oras na sahod sa US. Nakakaiwas din sila sa pagbibigay ng mga benepisyo dahil sa kontraktuwalisasyon.
- Maraming insentibo gaya ng:
- Income tax holiday sa mga bagong kumpanya sa loob ng anim hanggang walong taon.
- Tax-free at duty-free sa pag-eeksport at importasyon.
- Walang nasyunal at lokal na buwis tulad ng expanded withholding tax, municipal business license at branch profit remittance tax.
- Zero Value Added Tax (VAT)
- Special Corporate Income Tax (SCIT) 5% lang ito ng gross income
- Walang wharfage o storage fees
Bukod dito, maaari pa silang humingi ng pinansyal na tulong mula sa gobyerno ng Pilipinas. Mula sa “laway lang” na puhunan, puwede silang mangutang sa mga bangko sa Pilipinas.
- Iba pang pribilehiyo. Maluwag rin ang patakaran sa pag-import at pag-eksport. Puwede rin silang mag-empleyo ng mga dayuhan para sa teknikal at matataas na posisyon.
- Target rin bilang domestic market ang malaking populasyong Pilipino.
Paborable sa kanila ito habang lugi naman tayo. May ambag man ang dayuhang pamumuhunan sa empleyo at ekonomiya, hindi dapat mag-ilusyon na susi ito para sa sustenableng pag-unlad.
Matapos pakinabanagan ang mga insentibo‘t murang lakas-paggawa, iiwan nila tayong luhaan. Gaya nang kung paano ka paluhain sa presyo ng mga mamahaling brand na ito.
Lumilipat sila sa ibang bansa kung saan mas mura ang operational cost—tangay ang kapital at malaking tubo. Marami sa mga pagawaang nabanggit ay nagsara na. Mahigit 4,000 ang nawalan ng trabaho sa mga pabrika ng apparel sa Cebu at halos 2,000 sa Intel sa Cavite.
Ngayon, bilib ka pa rin ba sa mga imported signature brands na produkto ng pagsasamantala?
SOURCE: pinoyweekly.org
Friday, May 19, 2023
Trending: Paano Napunta Ang Pating Sa Bubong Ng Bahay Na Ito?
Ang Headington Shark House ay matatagpuan sa Oxford, England. Ang pating sa bubong ay may habang 7.62 meters, mas malaki pa ito sa totoong Great White Shark na 7 meters lamang ang pinakamahaba.
Tuesday, May 16, 2023
Panoorin: Buong Bayan, Nanalo Sa Lotto At Sabay-sabay Naging Milyonaryo
Lahat ng residente ng Sodeto ay sabay-sabay NANALO sa lotto at naging instant MILLIONAIRE. Nasa P7 BILLION ang kabuoang napanalunan nila. Paano nangyari na ang buong nayon ay sabay-sabay nanalo? Alamin sa vidyong ito!
Friday, April 28, 2023
Trending: Ang Syudad Na Walang Batas, Gobyerno, At Hindi Na Kailangan Ng Pera
Sa India ay merong isang syudad na walang batas, gobyerno, at hindi na kailangan ng pera. Libre dito ang pagkain, kuryente, edukasyon at marami pang iba.
Thursday, April 27, 2023
ADVERTISEMENT
Search Blog
Social Media
Latest Posts
Popular Posts
-
Matapos ang galit na galit na paglalabas ng saloobin ni Coco Martin sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN, lumutang ang dating cameraman ng Kapa...
-
“Splits second. Its was a judgement call for the police. Eh kung nakabunot yung at nakapagpaputok sa pulis, disgrasyang katakot-takot iyon...
-
Kung abala ngayon ang mga butuin ng ABS-CBN para dipensahan ang kanilang kumpanya matapos itong phinto sa pag-ere ng National Telecommun...
-
Kung kamakailan lang ay naging laman ng balita ang pagsawsaw nila Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa...
-
Kamakailan ay nagdeklara ang New People’s Army (NPA) ng ceasefire sa gitna ng krisis na dala ng coronavirus disease 2019 (covid-19) sa ban...
-
Sa kanyang social media post, may pinasasaringan ang anak ni Gary Valenciano at pamangkin ni Senador Kiko Pangilinan na si Gabriel Valenci...
-
Nakarating sa kaalaman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang impormasyon na may ilang kapitan ng barangay na namimili ...
-
Inaresto ng mga otoridad ang lalaking sa Samar dahil sa pakikipag-inuman nito sa kanyang kapitbahay kahit na siya ay isang sa Person U...
-
Ayon sa World Health Organization (WHO), tamang desisyon daw ang ginawa ng Duterte Administration na magpatupad ng lockdown sa buong isla ...
-
Kamakailan lang ay inilagay na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang buong isla ng Luzon sa “enhance community quarantine” at inabisuhan an...