Inaresto ng mga otoridad ang lalaking sa Samar dahil sa pakikipag-inuman nito sa kanyang kapitbahay kahit na siya ay isang sa Person Under Monitoring (PUM) kaugnay sa cornavirus disease 2019 (covid-19).
Ayon sa mga alagad ng batas, sumusuway daw ang lalaking PUM sa tagubilin na mag self-quarantine ng 14 araw. Ang lalaki ay may travel history sa Luzon kung saan itinuturing ang lahat na PUM.
Maaaring maharap ang lalaki sa kasong paglabag sa REPUBLIC ACT No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.
Dahil sa ginawa ng lalaki, hindi napigilan ng ilang netizens na mainis sa kanya.
“Ganyan ka selfish at irresponsible ang ibang tao💔 alam nya namang under monitoring sya pero nakipag inuman pa din. Imbis maawa ka ang sarap tsenelasin nalang🤦♀️ Wala eh, marami talaga walang disiplina sa sarili dinadamay pa ang iba,” sabi ni I. Frank.
“Grabe talaga.. not trying to mock anyone/everyone, but please do not be stupid! Maraming nagsa-sacrifice para sa maayos na transition ng lockdown/quarantine, even people working abroad iniisip paano makakauwi at makakasama ang pamilya lahat nagtitiis.. tapos ganyan? Common sense ay para sa lahat.. at hindi kailangan ng tamang edukasyon,” sabi ni R. Aguilar.
“Ttigas ng mga ulo.. Sinabi ng social distancing.. Meron pa mga ngsusugal and inuman.. Pag nagka taon lalo ng dadami infected dito satin sa pinas.. Maawa nmnan kayo sa mga katulad nmin magtitiis na hndi lumabas.. Omg ayaw nyo ba bumalik sa normal ang lahat.. Kawawa nman mga nwalan ng trabaho,” sabi ni E. Noreb.
“Haay naku kung ang iba takot at nag iingat na wag makasalamuha ang iba…eto nman ang ibang wlang pakialam ay gusto pang hawaan ang iba. Marami tlagang nagtatanga-tangahan at hndi nag iingat o sadyang wlang alam sa mga nangyayari sa bansa,” sabi ni M. Nartia.
Source: GMA News
Loading...
0 comments:
Post a Comment