Sunday, March 22, 2020

'24-Hour Curfew Labag sa Batas' - Opposition Personality Chel Diokno

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng coronavirus disease 2019 (covid-19) infections, nagpasya ang lungsod ng Muntinlupa na magpatupad ng 24 oras na curfew. Ang ordinansa na ito ay isinabay sa Luzon-wide enhanced community quarantine na ipinatutupad ng National government.
Sa ilalim ng Ordinance 2020-074, ang mga residente ng Muntinlupa ay hidi maaaring lumabas ng bahay maliban na lang sa ilang kondisyon.
Papatawan ng parusa ang lalabag sasa ordinansa. Ilan sa parusa ay ang pagkakatala sa barangay blotter, pagkakansela sa mga beneipisyo tulad ng scholarship (MSP) at zero-interest loan (Dagdag Puhunan). At kapag umulit ay hindi na papayagan makatanggap ng relief goods habang may quarantine period.
Ang ordinansang ito ay kinontra ni opposition personality na si Attorney Chel Diokno. Ayon sa dating pambato sa pagkasenador ng oposisyon, labag daw ito sa batas.

“Siyempre nakikiusap tayong manatili lahat sa bahay, pero labag na sa Konstitusyon ang ordinansang ito. Ang ‘24-hour curfew’ ay outright denial of the right to travel and freedom of movement,” sabi ni Diokno.
Dinipensahan din niya ang mga menor de edad na mahuhuling lalabag sa curfew.

“At ayon sa Comprehensive Juvenile Justice Act, bawal patawan ng penalty ang mga minor para sa curfew violation. Dapat dalhin sila sa kanilang bahay o i-turn-over sa kanilang magulang,” dagdag ni Diokno.
Ilan sa mga naunang hakbang ng gobyerno para labanan ang pagkalat ng sakit ay ang pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila.

“Community quarantine is hereby imposed in the [entirety] of Metro Manila and in other — in other areas the LGUs are advised to abide by the following guidelines imposing localized community quarantine in their respective jurisdictions. For Manila, may… Ayaw namin gamitin ‘yan pero — kasi takot kayo sabihin “lockdown”. And a — but it’s a lockdown. There is no struggle of power here. Walang away dito, walang giyera. It’s just a matter of protecting and defending you from COVID-19. That’s about it. It has nothing to do with the power of the military or the power of the police, nor or my power and of these guys beside me. Hindi ‘yan. It’s not an issue of — it’s just an issue of protecting public interest and public health. Iyon lang. sabi ni Pangulong Duterte.

Source: TNT Abante | GMA News | PCOO
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: