Saturday, December 2, 2023

Panoorin: Bansang Laos Binomba ng Sobra ng US ?

 


Sa isang probinsya sa bansang Laos ay makikita ang kakaibang nayon. Ang nayon ay nababalot ng napakaraming bomba. Normal na dito ang mga naglalakihang empty shells ng bomba na naka display sa mga bakuran. Sa dami ng mga bomba upang mapakinabangan ay ginagawa nila itong poste sa kanilang mga bahay. Ginagamit sa landscaping, ginagawang bakod, ginagawang kutsara, bottle opener at iba pa. At ang nayong ito ay hindi nag-iisa dahil merong 17 provinces sa Laos ang nababalot ng mga bomba.

SPONSORED BY:
Milyon-milyon ang bilang nito at alam mo ba ang mga bombang ito ay pinabagsak ng US noong panahon ng vietnam war. Ayon sa report ng national regulatory authority ng gobyerno ng Laos mula 1964 hanggang 1973 ay mahigit 270 million na mga bomba ang pinabagsak ng America sa bansang Laos. At nasa 80 million pa nito ay hindi pa sumasabog hanggang ngayon. Ibig sabihin meron pang nasa 80 million na mga bomba ang nagkalat sa buong Laos, nakatago o nakabaon sa lupa naghihintay na mabibiktima nito. Madalas ay nahuhukay ito ng mga farmers mga mangangalakal at napaglalaruan pa ng mga bata.
At ito'y bigla nalang sumasabog. Kung hindi putol ang mga kamay at mga paa ay nasusunog ang katawan at mukha ng biktima. At ang masaklap pa ay libo-libo na rin ang mga namatay dahil sa hindi ina-asahang pagsabog. Since 1964 nasa 50,000 katao na ang namatay at na injured sa bansa dahil sa mga unexploded explosives. Dahil dito itinuturing ang Laos bilang "the most heavily bombed country" per capita.
SPONSORED BY:
Ngunit ang tanong hindi naman magkalaban ang Laos at America at isang neutral na bansa ang Laos. Ngunit bakit kaya ganun ka tindi ang pambobomba ng america sa bansang ito?


Alamin ang buong detalye ng Video sa ibaba.


SOURCE: AWE REPUBLIC 

Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. ALL RIGHTS BELONG TO THEIR RESPECTIVE OWNERS*


SHARE THIS

Author:

0 comments: