Sunday, April 5, 2020

'Hindi kami Pabaya! Uupakan kami dahil Nagpapasikat!' Sen. Revilla, Rumesbak kay Mayor Isko

Kamakailan lang ay naging emosyonal si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang public address at pinahapyawan ang mga senador na diumano’y hindi mahagilap sa panahon ng krisis na dala ng sakit na coronavirus disease 2019 (covid-19).

Sa nasabing public address, hinamon ni Mayor Isko ang mga senador na ipakita ang pagmamalasakit sa taumbayan.

“Mga senador, 24 lang kayo. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa Pilipino. Nasaan kayo ngayon? Hinahanap namin kayo. Puro na lang tayo kontra rito, kontra roon, dahil sa mga sinusulong niyong political interest. Wala ba kayong puso? Maswerte kayo dahil pinagpala kayo. Paano ‘yung naghihikaso bago pa man mangyari ang krisis na ito at lalong naghihikaso sa kasalukuyang krisis na ito?… Hinihikayat ko kayo, tutal magagaling kayo. I-donate niyo lahat ng sweldo ninyo. Lahat ng kakayahan ninyo, ngayon niyo ipakita sa mga tao” banat ni Mayor Isko.

Ang naging pahayag ni Mayor Isko ay pinalagan ng ilang seandor. Isa na dito ay si Senador Bong Revilla. Resbak ni Revilla, hindi nagpapabaya ang mga senador.

“Si Yorme, tinira kaming mga senador. Sana ‘wag naman ganun. Alam natin na si Isko is a very good friend of mine. Alam mo rin naman na lahat kami nagtatrabaho. Hindi kami nagpapabaya, may nasasakupan din kami… Yung banat sa amin ni Mayor Isko. Wag naman, wag ganun, tulungan tayo. Hindi ito panahon ng pagbatikos. Wag mo kaming personalin,” sabi ni Sen. Revilla.

Paliwanag pa ni Senator Revilla, nagsakripisyo at dumalo sa session ang mga kapwa senador niya para maipasa ang Bayanihan Act law, sa kabila daw ng banta ng covid-19.
“Minsan nakakasama ng loob… Nasaktan kaming lahat (ng senador) dahil unfair ‘yun para sa amin. Kasi pumasok kami kahit na alam namin na delikado. Ilan na nga ang nagkasakit na senador dahil sa covid-19. Gaun pa man tuloy pa rin ang trabaho namin,” saad pa ni Sen. Revilla.


Source: Sen. Bong Revilla
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: