Friday, April 17, 2020

Lalaki, Bumili ng Shabu Matapos Matanggap ang P6,500 na Tulong sa Gobyerno!

Arestado ang isang lalaki sa Bacoor, Cavite matapos makuha sa kanya ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu. Ayon sa ulat, katatanggap pa lang daw nito ng ayudang P6,500 mula sa gobyerno. Kinilala ang suspek na si Clark Jerel Navalta.

Ayon sa suspek, naka-extra daw siya sa isang construction job at kailangan niya alng ng pampalakas kaya bumili siya ng droga.

“Bumili muna ako ng groceries po. Tapos.. drugs po kasi may extra po ako sa construction sa banda sa amin. Sinubukan ko makakuha para makalakas ng kaunti po,” sabi ng salarin.
Nadismaya naman ang local government units sa mga balita ginagamit ng ilang residente sa knailang lugar ang ayuda para sa mga bisyo. Kaya sa isang pahayag, pinayuhan ni Bacoor Mayor Lani Mercado ang mga kababayan niya na gamitin ng wasto ang ayuda galing sa gobyerno.

“Sa atin pong mga kababayan na ankatanggap ng P6,500 ayuda, spend it wisely. Huwag ho natin ito gamitin sa bisyo. TIpirin natin ito dahil hindi natin alam kung hanggang kailan itong enhance community quarantine,” paliwanag ni Mayor Mercado.

Source: GMA News
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: