Saturday, April 4, 2020

"Mali ang Paratang mo!" Lacson, Rumesbak kay Mayor Isko!

Sinagot ni Senador Ping Lacson ang viral video ni Manila Mayor Franciisco “Isko Moreno” Donagoso kung saan emsyonal itong nagsalita laban sa mga senador na hindi makita sa panahon ng krisis na dala ng coronavirus disease 2019 (covid-19) outbreak.


“Mga senador, 24 lang kayo, mga sekretaryo, mga pulitikong katulad ko, ngayon natin ipakita, ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa Pilipino. Kaming mga tiga-Maynila, Pilipino rin. Ngayon niyo ipakita, maraming nagdadarahop…. Wala ba kayong mga puso? Maswerte kayo, pinagpala kayo. Maswerte tayo nakaluwag tayo sa buhay. Paano yung mga naghihikahos dahil sa krisis na ito at yung mga naghihikahos sa kasalukuyan. Hindi tayo magkakaunawaan sa salitaan, hindi tayo magkakaunawaan sa mga political ideologies… Hinihikayat ko kayo, tutal magagaling kayo, i-donate niyo lahat ng sweldo ninyo, lahat ng kakayanan ninyo, ngayon niyo ipakita ang tulong sa tao. Walang magaling dito. Walang mahusay sa laban na ito. Paulit-ulit kong sinasabi wag na kayong lumayo sa pagkukumpara,” sabi ng Punong Lungsod ng Maynila.



Ayon kay Lacson, mali raw si Mayor Isko sa naging palagay nito dahil nagsakripisyo daw sila para maipasa ang “Bayanihan to Heal as One Act”.
“Yorme, kaya po namamahagi ngayon ang gobyerno ng tulong pinansyal kasama na ang lungsod ng Maynila ay dahil nagpagod at nagpuyat ang mga senador kahit may banta ng COVID-19 para ipasa ang Bayanihan Act. Iyan kasi ang mandato namin. Mali ang paratang ninyo na wala kaming ginagawa,” ani Senador Lacson.

Source: Ping Lacson
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: