Tuesday, May 26, 2020

'2661 lang Regular Empleyado niyo!' ABS-CBN, Sapul kay Cong. Marcoleta,

Sa pagtalakay kanina sa kongreso tungkol sa legislative franchise ng ABS-CBN. Hindi pinalagpas ni Congressman Rodante Marcoleta ang pagkakataon para ipaalala sa mga opisyal ng Kapamilya network ang ginagwang pagtrato nito sa mga manggagawa na basta-basta na lang tinanggal.
SPONSORED BY:

“Ang asunto na isinampa ng mahigit 100 manggagawa ng ABS-CBN sa National Labor Relation Commission o NLRC dahil sa pagtanggal sa kanila dahil sila raw ay mga talents lamang at hindi regular na empleyado. Nanalo po ang mga manggagawa sa NLRC at sa court of appeals. Bakit hindi na lang nila (ABS-CBN) sinunod ang hatol at umapela pa sa Korte Suprema? Ito ba ang sinasabi nila sa kanilang opening salvo na ang pagmamahal nila sa Kapamilya ay ganun na lang,” banat ni Rep. Marcoleta.

Inungkat din ni Representative Marcoleta ang totoong bilang ng mga regular na empleyado ng Kapamilya network.

“Mali naman na sabihin ng ABS-CBN na lagpas 11,000 ang mga empleyado nito dahil kung ito po ay masusi nating iimbestigahan, may 2661 lang ang mga regular na empleyado nito. Ang karamihan po o 8500 na kawani ng ABS-CBN ay tinagurian nilang independent contractors, talents, project workers o contractuals lamang kahit pang regular na empleyo ang trabaho nila. Ayon sa ating labor code, ‘pag regular ang tungkulin ng isang manggagawa dapat siyang gawing regular employee. Malinaw na labag sa batas ang ginagawa ng ABS-CBN,” dagdag pa ni Marcoleta.
(Lumaktaw sa 10:16 bahagi ng video para mapakinggan agad ang mga banat ni Cong. Marcoleta sa ABS-CBN officials ukol sa labor issues ng istasyon.)

SPONSORED BY:

Source: Ang Malayang Pilipino

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: