Ayon kay Japan Foreign Minister Toshimitsu Motegi, isa ang Pilipinas sa 43 na bansa na mabibigyan ng libreng anti-flu medicine na Avigan.
Inaasahan maipapadala ang nasabing gamot matapos ang golden week holidays sa May 6, saad ni Motegi.
“We will cooperate with the private sector as well as the international community to develop a treatment,” sabi ni Motegi.
Nagsasagawa na ng clinical studies para sa Avigan ang Japan matapos imungkahi ng mga Chinese sceientists na naging epektibo ang naturang medisina sa panggagamot ng mga coronavirus disease 2019 (covid-19) paitents.
Ayon kay China National Center for Biotechnology Development Zhang Xinmin, sa mga isinagwang clinical trials sa naturang gamot, natuklasan ng dalawang medical organizations na naging mabisa ito.
“It has a high degree of safety and is clearly effective in treatment,” sabi ni Xinmin.
Plano ng Japan na padamihin ng husto ang nakaimbak nilang Avigan upang maipanggamot sa 2 million katao.
Ang Avigan drug ay kilala rin sa tawag na favipiravir. Ito ay gawa ng subssidiary ng Fujifil Holding Corp.
Hindi pwedeng gamitin ang Avigan sa mga buntis dahil kinatatakutan na magdulot ito ng birth defects.
Magugunita na nagkomento na ang isang opisyal ng Department of Health (DOH) patungkol sa Avigan at tinawag niya itong promising.
“Very promising po siya, mukha po talaga siyang sa ngayon sa mga anti-viral ay ito po ang parang medyo directed po ang treatment towards talagang [sa] COVID-19… Of course… this is a very early development drug, at nakita po na meron siyang positive response sa mga pasyente sa kanya,” sabi ni Health Undersecretary Eric Domingo.
Ikinatuwa naman ng ilang kababayan natin ang pagbibigay ng Japan ng libreng Avigan drug sa Pilipinas.
Source: ABS-CBN | NHK | Nikei | US National Institutes of Health – US National Library of Medicine | LA Times | ABS-CBN
Loading...
11 comments:
Sana nga matapos nato atmabigyan nang agarang akyon
Sure na bayan ? Buo na talaga tiwala nyo sa china ?
anong china? japan nga e HAHAHA
Legit po ba to?
stupid cant read a simple sentence. Pinoy problems!
Baka fake news na naman to?
Sana nga po
Sana totoo baka nag eedit naman tong mga bobong editors para magkapera pwee.!
ambobo mo naman
Hoping
Legit bato or fake sana po legit para matapos na ang problema dito sa pinas
Post a Comment