Binawi ngayong araw ng kongreso ang provisional franchise ng ABS-CBN na inaprubahan nila mismo ilang araw alng ang nakakalipas. Magugunita na binigyan ng mababang kapulungan ang ABS-CBN ng provisional franchise hanggang Oktubre 2020 matapos pahintuin ng National Telecommunication Commission (NTC) ang kapamilya network sa pag-e-ere dahil sa pagkapaso ng prangkisa ng network.
Matatandaan na umpela na sa Korte Suprema ang ABS-CBN upang pigilan ang naging hakbang ng NTC. Ayon sa Kapamilya network, aabot daw sa 30 hanggang 35 milyon ang kanilang lugi dahil sa pagpapahinti sa kanila na mag-ere. Apektado din daw ang 11,000 nilang empleyado. Bumagsak namana ng 7.2% ang shares ng ABS-CBN sa stock market dalawang linggo matapos ang shutdown.
Ang hakbang para bawiin ang provisional franchise ng istasyon ay pinangunahan ni Deputy Majority Leader Wilter Wee Palma. Binawi ang provisional franchise upang makapagtanong ang mga mambabatas at makapagpasok ng mga amendments a panukalang batas.
Panoorin ang talumpati ni Hon. Sy-Alvarado, “Kuya” Jose Antonio R. ng Bulacan patungkol sa ABS_CBN provisional franchise.
Loading...
0 comments:
Post a Comment