Sa kanyang column sa The Manila Times, sinabi n Tiglao na ginawa raw kalokohan ng ABS-CBN ang mga nakaraang presidential elections. Malaking dahilan sa pagkapanalo ng isang kandidato ay ang ABS-CBN. Ang Kapamilya network ay maituturing daw na “King maker”. Nahi-hypnotized umano ang publiko tuwing nanonood ng balita mula sa nasabing istasyon. Napaka-epektibo daw ang broadcast media sa paghulma sa kamalayaan politika ng mga masa.
“THE ABS-CBN media behemoth is an anomaly that has made a mockery of our democracy. This started in the late 1950s, when the landlord oligarch clan, the Lopezes, added to their empire what was then a new medium, television, which proved to be more powerful in reaching the masses than their Manila Chronicle newspaper.” banat ni Tiglao.
Isa sa mga hinalimbawa ni Tiglao ay ang pagkatalo ni Miriam Densor-Santiago sa presidential elections noong 1992 kontra kay Fidel Ramos. Ipinapakita daw sa mga coverage ng ABS-CBN ang mga pagwawala ni Santiago. Ayon kay Tiglao, noong panahon na iyon ay halos magkapareho ang popularidad ni Santiago sa kasikatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayon.
Todo din daw ang naging suporta ng ABS-CBN sa kandidatura ni Benigno “Noynoy” Aquino noong 2010. Ang katunggali noon ni Noynoy na si Manny Villar ay ginawan ng ABS-CBN ng mga “investigative reports”. Nanalo si Noynoy noong 2010, habang pumangatlo si Villar at pumangalawa naman si Erap Estrada sa bilangan.
Sumipi din si Tiglao mula sa pananaliksik ni Joseph Scalice ng University of California.
“The Lopezes are the only family that has consistently stayed on the fringes of power since 1945, when they came to power with Roxas. Consistently they have been the giant killers. Consistently they have been the manipulators of political balances in this country. When they abandoned Quirino and the Liberal Party in the 1950s, there was a stampede out. When they joined the Magsaysay bandwagon in the 1960s, they forced Garcia down,” sabi ni Scalice.
Bukod sa pagiging King Maker ng mga Lopez, tinalakay din ni Tiglao ang pagiging oligarko ng nasabing pamilya, ang may-ari ng ABS-CBN. Base sa column ni Tiglao, isa daw ang ating bansa sa Asya na may pinakamakapangyarihang oligarko na may malaking kontrol sa broadcast media.
Sa ilang dekada ay hawak din daw ng Pamilya Lopez ang Manila Electric Co. (Meralco), ang may monopolyo ng pamamahagi ng kuryente sa Metro Manila.
Source: Manila Times
Loading...
1 comments:
Dapat matuldukan na ang paghariharian nila sa bansang Pilipinas tama na po...
Balik nalang po kau sa US where you belong .....TAMA NA PO PLEASE
Post a Comment