Friday, May 15, 2020

'Nagpa-picture lang, Nagalit ka na!' Stuntman, may Binulgar tungkol kay Coco Martin

Matapos magsalita si Coco Martin tungkol sa isyu ng ABS-CBN franchise, nagbigay ng pahayag ang ilang dating empleyado ng Kapamilya network upang ipaalala sa actor ang mga hindi magandang karanasan sa nasabing istasyon at ibinunyag ang diumano’y ginagawa ng aktor.

Nitong Mayo 10, binunyag na rin ang nagpakilalang stuntman ang tungkol sa inuugali umano ni Coco sa likod ng camera.

Ayon sa stuntman na si Jhun Bal, nagagalit daw ang aktor kung may nagpapa-picture dito na cast. Tinanggal din daw sa trabaho ang isang indibiduwal na gusto lang magpa-video greetings kay Coco.

“Ni magpapicture nga sayo coco ikakagagalit mo pa eh, pauuwiin mo at ibaban mo sa show mo, ganyan ka kayabang, at yung isang talent na gusto lang magpavideo greet sayo total newyear naman, kaso anong ginawa mo ipinahiya mo at ipina-ban mo sa show mo, hindi ka na naawa dun sa tao, tinanggalan mo ng hanap buhay,” sabi ni Bal.
Banat pa ni Bal, bastos at hambog daw si Coco at ang mga alipores ng aktor.

“Kaya kahit na iban mo rin ako sa show mo wala akong paki-alam sayo at sa mga alipores mong todo sipsip sayo, mga bastos kayo mga wala kayong respeto!, kami ang tinatarantado nyo! Paki share guys ng malaos na ng tuluyan yang hambog na yan, pati yung mga sipsip dyan na ubod din ng kahambugan,” dagdag pa ng stuntman.

Kamakailan lang ay isa naman dating cameraman ang nagsalita laban sa inaasta ng aktor sa set. Sinegundahan niya ang mga sinabi noon ng actor na si Robin Padilla na nambubuhos umano si Coco ng tubig sa mga production staff ng kanyang programa.

“Yung’ mga stuntmen na pinagsalitaan mo ng hindi maganda, ‘yung grupo ni Tatay Bal Iglesias. Alam mo Coco, maraming problema sa akin na binanggit ni Boy Roque dahil nakasama ka niya sa trabaho. Kung anong klaseng ugali mayroon ka? ‘Yung pabuhos-buhos mo pa ng tubig sa utility. Alam niyo mga kababayan, si Robin Padilla… Minsan na nakasakit at napuruhan ang stuntman dahil sa sparring pero makikita mo si Robin humihingi siya ng sorry. Maya-maya nilalambing ni Robin at binigyan ng pera, kung baga pampalubag-loob ang tawag doon o pampagaan ng kalooban. Ikaw, ang nakarating na balita sa akin, kasi maraming nagsusumbong sa akin na stuntmen, minsan nakapanakit ka, napuruhan mo ‘yung tao, base ng kwento ng stuntman sa akin, ang sabi ni Coco, ‘Pasensiya ka na hindi ako katulad ng isang tao diyan na ‘pag nakapanakit humihingi ng tawad at nag-aabot. Hindi ako ganun’. So anong ibig mong sabihin? Papanindigan mo na ganun ka,” saad ng cameraman na si Journalie F. Payonan.



Source: Jhun Bal | Archive | Jhun Bal | Journalie F. Payonan
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

13 comments:

Unknown said...

Hahaha boking si pande coco. Porket mayaman na hambog na..edi wow!. Pinatutunayan nman na ang ugali nakaraang araw. Hambog na mayabang.

Unknown said...

Hala!!!!... Ganon pala ugali ni coco martin... Akala ko pa naman mabait kang tao.... Wrong pala... Sana lang coco alam mong nanggaling ka rin sa mababa,,, wag kang masyadong umastang palalo. Baka biglang mawala lahat sau ang katanyagan mo ng dahil sa kahambugan ng ugali mo.

Unknown said...

Eka nga sa kasabihan lumingon ka sa pinanggalingan mo,ang pag unlad at pag ansenso ay respeto sa bawat tao

Anonymous said...

Hindi sa lahat ng oras eh nasa taas po tayo, matuto po tayo maging humble. And syo Mr. Coco Martin Sana maging lesson syo eto..

Anonymous said...

Dapat iniisip din ni COCO na kung saan siya nanggaling -- nandiyan nagpabanat siya sa puwet lips to lips sa kapwa lalaki .. makamit lang yung kataniyagan at yaman. So dpt marunong kang lumingon sa madumi mong pinanggalingan.

Unknown said...

Karma is real

Unknown said...

BASTOS nga ANG gago nayan, umangat Lang akala mo Kung sino na, alalahanin mo cocovid Hiram Lang UNG yaman mo na tinatamasa mo ngayon, ANG buhay ng tao hinde manatiling nasa itaas, pag ikaw bumaba pagtawanan Ka Ng kapwa mo artista, wala Kang Modo cocoti

Mar said...

Totoo nga pala talaga sinabi ni Mr.robin

Unknown said...

Lumalabas ang Tunay na kulay sa tamang panahon

Unknown said...

Kung gaano kataas Yung narating mo ganun din kababa ang babagsakan mo...Kaya huwag lumimot sa pinanggalingan mo at lalong huwag lumimot sa ating banal na AMA na siyang nagbigay ng lahat ng meron ka...Be humble Everytime and always stay your foot on the ground...

Anonymous said...

Nainiwala ako jan.. ang tanong pagtapos ba nyan atpag nakabalik ang network. Hahangaan ule si coco?
Sabagay mayamn na yan kahit d na bumalik hinde na yan maghihirap....sana wag na sya bumalik.

Anonymous said...

Di pala maganda ang ugali nia ☹ bakit parang ang bait naman nia? Sa likod pala ng camera halimaw �� nakakalungkot lang kasi umangat lang yumabang na. Wala ka pa din sa kalingkingan ni FPJ kaya mababa ang loob kaya kahit wala na sia sa mundong ito nananatili pa din sia sa mga puso ng tao kasi mabait talaga sia. Sana lang wag mo kalimutan kung saan ka nagmula... mas pinagpapala ang mga taong mabababa ang loob..

Unknown said...

noon pa man makikita mo naman gaano kataas ang kahambugan ng coco na yan. kasalanan nyo din yan tinolerate nyo sya at nagpagamit kayo. kung noon pa nagsama sama kayo e di sana nahinto na agad ang kayabangan nya