Wednesday, May 13, 2020

'Parang Magnanakaw' Ex-Journalist, Umalma sa Pagpasa ng Provisional Franchise ng ABS-CBN sa Kongreso!

Matapos pahintuin ng National Telecommunication Commission (NTC) ang ABS-CBN na sumahimpapawid noong ika-5 ng Mayo dahil sa pagkapaso ng prangkisa nito, ngayong araw ay ipinasa ng mababang kapulungan ng kongreso ang provisional franchise para sa Kapamilya network. Sa nasabing panukalang batas, papayagan ang istasyon ng magsagawa ng operasyon hanggang Oktubre 2020.

Ang hakbang na ito ng mga mambabatas ay hindi nagustuhan ng retiradong mamamahayag na si Jay Sonza. Banat ni Sonza, parang magnanakaw daw ang paraan para maipasa ang panukalang batas. Pinatutsadahan din ni Sonza si House Speaker Alan Peter Cayetano at ang mga kasamahang mambabatas nito.
“Like a thief in broad daylight, a Bill passed the House without public hearing.
wanton display of stupidity by Cayetano, et al,” birada ni Sonza.
The House of the 18th Congress made a mockery of itself by passing a provisional franchise in favor of “the pass away network,” dagdag pa ng dating mamamahayag.

Para naman sa international trader at blogger na si MJ Quiambao Reyes, hindi siya lubusang pabor sa ginawa ni Cayetano pero mas mainam naman daw ito kaysa sa gustong mangyari ng 13 senador na bigyan ang ABS-CBN ng provisional franchise hanggang 2022.
“Guys, while I may not fully agree to Speaker Cayetano’s proposed bill providing provisional franchise to ABS-CBN til October this year (less than 5 months), I find his bill better, more acceptable, and lesser evil than the one filed earlier by 13 senators which aims to give the said network a provisional franchise til after 2022 election.
It could be his strategic way of preventing the other bill to succeed. In fairness, if not for him, matagal nang ni-renew ng mga magigiting na senador ang franchise ng nasabing network.” sabi ni Quiambao.
Source: Jay Sonza | Jay Sonza | MJ Quiambao

Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: