Bumoladas na naman si Senador Francis “Kiko” Pangilinan laban sa Administration matapos sertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na “urgent” ang anti-terror bill.
SPONSORED BY:
“Terrorized na ang mga kababayan natin dahil sa COVID-19, ang nakakamatay at nakakahawang sakit. Mas na-te-terrorize pa dahil sa kawalan ng trabaho at hanapbuhay na dulot ng iba’t ibang klase ng lockdown na pinataw sa ating mamamayan at ekonomiya… Pagtuunan ng pansin ang mga walang masakyang public transport ngayong GCQ, ang mass testing at contact tracing, at pagbangon ulit ng ating kabuhayan,” sabi ni Kiko.
Banat pa ng eandor, makakagamot daw ba ang naturang panukala sa coronavirus disease 2019 (covid-19).
“Whole of government di ba? Heal as one di ba? Gamot ba ang panukalang batas sa COVID-19 o gagamiting panakip-butas sa mga kapalpakan?… Paano pigilan ang paglaganap ng COVID-19 at paano ibangon ang nakadapa nating ekonomiya ang bigyan ng panahon at solusyon, huwag ang anti-terror bill,” patusada pa ni Pangilinan.
Magugunita na ipinaliwanag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na may patakaran ang nasabing panukala para maiwasan ang pang-aabuso. Karamihan din daw sa mga umaalma sa anti-terror bill ay mga leftist at mga kaalyado ng mga ito.
“What these detractors, mostly Reds and their allies, have done is to pick some provisions and add their own interpretations to scare people. People need not fear. The proposed law has safeguards of civil liberties and sanctions to law enforcement agencies… This bill was deliberated lengthily by both Houses and all sectors were invited as resource persons during these deliberations. All sides were heard… My comment on those opposing this measure is that their opposition is baseless as there are sufficient provisions protecting people’s rights and there are penalties and punishments for law enforcers caught abusing the law. Our people have nothing to fear,” sabi ni Lorenzana.
SPONSORED BY:
0 comments:
Post a Comment