Tuesday, June 9, 2020

Higit 100 reklamo ng ‘dummy accounts’ sa Facebook, idinulog sa DOJ



Dumagsa ang higit isang daang reklamo ng mga ‘dummy accounts’ sa Facebook sa Department of Justice (DOJ) matapos na ihayag nito ang pag-uutos sa imbestigasyon sa insidente.

Nasa 112 reklamo ang natanggap ng DOJ buhat sa mga netizen na na-monitor na may dalawa o higit pang Facebook account na nakapangalan sa kanila ngunit blangko.
Sinabi ni Undersecretary Markk Perete na hiniling na nila sa Facebook Asia Pacific na tanggalin ang mga accounts ngunit ipreserba ang mga datos bilang ebidensya para sa kaukulang imbestigasyon.

Tututok umano ang DOJ sa lahat ng anggulo at posibilidad na may kinalaman ito sa malawakang ‘identity theft’ na paglabag sa Anti-Cybercrime Law.

Tiniyak din ng opis­yal na hindi magagamit ang mga datos sa ibang bagay at paiiralin ang privacy ng mga netizen.
Matapos na pumutok sa media ang mga ‘multiple dummy accounts’, agad nang ipinag-utos ni Justice Secretary Me­nardo Guevarra ang im­bestigasyon.

Una na ring sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na posibleng ‘glitch’ lang sa sistema ng Facebook ang nangyari.

Source: www.philstar.com

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: