Naglabas na ng desisyon ang Manila Regional Trial Court Branch 46 laban kay Rappler CEO Maria Ressa at sa dating researcher/reporter nito na si Reynaldo Santos ukol sa cyber libel case na isinampa sa kanila ng private complainant at negosyante na si Wilfredo Keng.
SPONSORED BY:
Guilty ang naging hatol kay Ressa at kay Santos kaugnay sa artikulong isinulat ng Rappler na nag-uugnay kay Keng sa human trafficking at drug smuggling.
Ilang araw bago mahatulan si ressa ay naglabas ng pahayag ang kampo ni Keng sa media. Inaasahan na raw nila na mananalo sila sa kaso laban sa Rappler CEO.
“We have faith that justice will be served. The reputation of our client Wilfredo Keng will be vindicated… We have shown that there is no evidence linking him to the drugs and murder allegations mentioned in the defamatory online article… This should serve as a lesson that no one is above the law. Everyone should be more judicious and circumspect before making accusations, especially when the reputation of a private individual is involved,” sabi ni Attorney Melisas Andaya, abogado ni Mr. Keng.
UMaangal si ressa na ang mga kaso lban sa kaniya ay gawa-gawa daw ng pamahalaan para takutin ang mga kritiko. Ito ay ay kinontra naman ng kampo ni Mr. Keng. Ayon kay Attorney Andaya, ang asunto laban kay Ressa ay tungkol sa pananagutan nito bilang mamamahayag.
Bukod sa kasong cyber-liber, nahaharap din si Ressa sa asuntong tax evasion at paglabag sa anti-dummy law.
SPONSORED BY:
Source: GMA News | ABS-CBN | GMA News | Tribune
0 comments:
Post a Comment