Wednesday, July 29, 2020

1.6 Billion Utang ng mga Lopez sa Bangko ng Gobyerno, Iimbestigahan ni Cong. Duterte ATBP!.


Matapos ang masaklap na pagbasura ng kongreso sa knailang prangkisa, may kakaharapin na naman na bagong suliranin ang mga may-ari ng ABS-CBN, ang Pamilya Lopez.

Ayon sa ulat ng Politiko, nagsanib pwersa sina Presidential son at Davao City Representative Paolo Duterte, ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap, Dumper PTDA party-list Rep. Claudine Diana Bautista, Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta, and Cavite Reps. Elpidio Barzaga at Jesus Crispin Remulla upang ungkatin ang napabalitang P1.6 bilyong utang ng mga Lopez sa Development Bank of the Philippines (DBP).

SPONSORED BY:

SPONSORED BY:

Magugunita na noong 2011 ay ibinunyag ng mamamahayag na si Neal Cruz ang diumano’y utang ng mga Lopez sa DBP. Ang utang ay ginamit umano sa mga kumpanya konektado sa mga Lopez tulad ng Maynilad Water (P710.86 million), Bayantel (P591.81 million), Central CATV Inc (P207.10 million) at Benpress Holding (P157.95 million). Ang P1.6 bilyong utang ay ni-wrote-off umano ng DBP pabor sa mga nasabing kumpanya.

Ayon sa mga mambabatas, ang pera ay magaagamit sana ng gobyerno para tugunan ang mga krisis dulot ng COVID-19.

“[T]he details of this condonation or write-off are as yet unknown to the public at large, despite the fact that this particular transaction could have cost the Filipino people PhP1.6 billion,” sabi sa resolusyon ng mga kongresista.

Source: Politiko



SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: