“Nagkakasundo sila kung paano pahihinain ang gobyerno, kasi gusto nila hawak nila eh,”
Sa isang panayan, sinabi ni Congressman Boying Remulla ang alyansa na nangyayari sa pagitan ng dilaw (ABS-CBN) at pula (Komunita).
Banat pa ni Cong. Remulla, tila mas nanaisin pa raw ng ABS-CBN na magbayad ng revolutionary tax sa mga rebeldeng komunista imbes na sa gobyerno.
“Ito ang arrangement na ito. Its like paying taxes to the NPA (New People’s Army). They (ABS-CBN) would rather pay taxes there than pay our government taxes. Ano bang klaseng relationship ito,” paliwanag ni Remulla.
Ayon pa kay Congressman Remulla, nakasalamuha niya na raw ang mga makakaliwa noong nag-aaral pa lang siya sa kolehiyo.
Isa si Congressman Remulla sa mga nanguna sa ginawang pagdinig sa kongreso kaugnay sa legislative franchise ng ABS-CBN. Sa nautrang mga hearing, naungkat ang hindi magandang pagtrato ng ABS-CBN sa ilan nilang manggagawa. Naisilip din ng mga kongresista ang tax avoidance schemes na ginagawa ng istasyon. Pati ang dual citizenship ni ABS-CBN Chairman emeritus Eugenio Lopez III ay nabunyag din. Maugugnita na kinuwestiyon din ni Congressman Rodante Marcoleta ang titulo ng lupa ng ABS-CBN headquarters na isinumite ng Kapamilya network sa kongreso.
Dahil sa natuklasan ng mga kongresista, hindi nabigyan ng prangkisa ang istasyon. 70 ang bumoto para huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Samantala, 11 lang ang bumoto para bigyan ng prangkisa ang istasyon.
Source: Banat by
0 comments:
Post a Comment