Sunday, July 12, 2020

ABS-CBN Supporter, Binastos ang Nanay na Kongresista Matapos Bumoto laban sa Franchise ng Kapamilya Network!

Viral ngayon ang anak ni Malabon Congresswoman Jay Lacson-Noel na si Kito Noel dahil sa pinagsasabin nito sa kanyang social media account.
Binanatan kasi ni Kito ang nanay niyang kongresista dahil sa pagboto para hindi mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Patutsada ni Kito, pasista daw ang kanyang ina.
“damn my mom really voted for the terror bill AND for denial of franchise renewal for ABS-CBN? Pick a struggle and go you fascist,” sabi ni Kito.
SPONSORED BY:

Sa hiwalay pang postni Kito, sinabihan niya ang mga kababayan niya sa Malabon na huwag iboto ang kaniyang ina dahil sa pagiging duwag daw ng kanyang nanay.
Pero imbes na kundinahin ito ni ABS-CBN radio host Ogie Diaz, kinunsinti pa. Ayon kay Diaz, kahit daw walang utang na loob si Kito ay humahanga siya dito.
“Saludo sa batang ito. Sabihin mo nang walang utang na loob na anak pero mas nangingibabaw yung paghanga mo sa batang ito na ginagamit ang utak at puso kumpara sa…” boladas ni Diaz.

Source: Ogie Diaz | Archive | Politiko | Tribune | Archive

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: