Saturday, August 22, 2020

LTO, Sisimulan na ang Paglabas ng Driver’s Licenses na 10years Validity sa October 2021! Alamin ang buong detalye

 


Ipapamahagi na ng LTO ang mga driver’s licenses na may 10-year validity sa mga motoristang walang violation sa Oktubre 2021.

Sisimulan na ng Land Transportation Office (LTO) ang paglalabas ng driver’s licenses na may 10-year validity sa October 2021.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante, ang mga mabibigyan ng lisensya ay ang mga driver na wala pang record na violations.
SPONSORED BY:

Aniya, insentibo na rin ito sa mga sumusunod sa batas trapiko.

Ang LTO ay mayroong ‘demerit’ system, kung saan nakakakuha ang mga motorist ng ‘demerit points’ depende sa bigat ng kaniyang paglabag.

Kapag maraming naipong demerit points ang driver sa ilalim ng five-year validity ng lisensya, maaari siyang patawan ng multa at parusa, at kinakailangan na ring dumaan ang driver sa reorientation.

Ang mga violations ay naitatala sa LTO system, na kapag ire-renew ng driver ang kanilang lisensya ay aabisuhan sila sa kanilang demerit points.





SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: