Dinepensahan ni former senator Antonio Trillanes ang donasyong bigas na may nakapaskil na larawan na kaniyang pagmumukha.Ipinagmalaki pa ng dating rebelde na naging mambabatas ang kaniyang naging ambag.
Sa kaniyang social media post ay pinasaringan din ni Trillanes sina President Rodrigo Duterte at si Senador Bong Go. Hindi daw dapat punahin ng gma tagasuporta ng presidente ang kaniyang ambag dahil ginagahasa daw ng Pangulo ang Pilipinas.
Pinalalabas din ng dating senador na ang ambag lang daw ng mga tagasuporta ng Presidente ay “katangahan” at “masamang ugali”.
Hypothetical conversation with a DDS
DDS: Trililing bakit ka nagbibigay ng bigas sa mga mahihirap?
Me: Bawal na pala gawin yun ngayon? So, gayahin ko na lang si duts na matulog na lang ako 24/7?
DDS: Eh bakit may picture at pangalan mo?
Me: Alangan namang picture ni bong go ang nakalagay dun.
DDS: Eh, trapo moves yun.
Me: Alam mo, ang mga trapo ay yung walang prinsipyong tumayo para sa tama. Hindi rin nila kaya lumaban sa mga diktador gaya ni duterte. Besides, ginagahasa na ni duterte ang bansa, tapos picture ko lang ang pupunahin mo?
DDS: Ah, basta…
SPONSORED BY: Me: Ganito kasi yan. Ang Sulong Tulong program ay proyekto ng aming grupong Magdalo para makatulong sa mga mahihirap sa panahon ng pandemya. Sinimulan ito nung April 2020 at ngayon ay nakakamahigit 100 relief operations na sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Ang pondo ay galing sa mga donasyon ng mga myembro at private donors. Ang paglagay ng pangalan at picture ay pasya ng mga myembro mismo para malaman ng mga donors kung saan napupunta ang mga donations nila. Pangalawa, dahil gusto rin daw ng mga nakakatanggap na malaman kung kanino galing ang mga relief goods. Pangatlo, gusto rin ng mga myembro dahil proud sila sa programa ng grupo. Pang-apat, ito ay pruweba na hindi nang-aagaw ng relief goods ang aming grupo na nangyayari raw ngayon sa mga calamity areas. Panglima, kahit nga UN World Food Programme may tatak ng pangalan nila ang mga relief goods na binibigay nila, sinita mo ba sila? Ano, maliwanag na?
DDS: Ah, basta…
Me: Teka muna, ako may ambag, ikaw na puro reklamo, ano ba ambag mo?
DDS: Ang kinakalat kong katangahan at sama ng ugali.
Source: News5 | Trillanes | Archive | Archive
0 comments:
Post a Comment