Tuesday, November 3, 2020

'Gabriela, Bakit niyo Sinuportahan ang NPA?' Rape Victim ng NPA Kumander, Kinuwestiyon ang Partylist!

 


Sa liham ni alyas “Ka Shane” sa Gabriela Partylist, isiniwalat nito kung paano siya ginahasa ng kumander sa New People’s Army (NPA). Nanawagan ngayon si Shane sa naturang women’s rights group na tulungan siya na makamit ang hustisya. Si Shane ay grade 2 nang ma-recruit sa NPA at ngayo’y 17-anyos na. Ayon kay Shane, ilang beses siyang ginahasa ng NPA kumander. Sa liham ni Shane, sinabi nito na pinangakuan siya ng kaniyang mismong mga magulang na NPA din na makakapagtapos ng pag-aaral kung sasama sa mga NPA.

Narito ang liham ni Shane na isinalin sa wikang tagalog.

SPONSORED BY:

“Ako si Ka Shane, 17 na taong gulang, nakatira sa Brgy. Utanan, Hilongos Leyte. Ako ay isang biltima ng pangrerecruit ng mga NPA sa kadahilanang sinabi nila na ako ay papaaralin sa ALS. Gumaan ang aking loob sa kanila dahil noong una mabait ang tingin at ang ipinapakita nila sa akin at ang akng ama ay isang NPA dati, pero nagkamali pala ako, nabastos nila ako.
Sinabihan din ako ng aking mga magulang na NPA din na mababait daw sila at maganda ang alok nila na papaaralin ako. Kaya tinanggap ko ang alok nila. Kaya pagkaraan ng mga ilan buwan ay sinundo na nila ako at itinigil ko na ang aking pag-aaral sa Elemenatrya ng Utanan. Grade 2 pa lang ako ng ihinto ko ang pag-aaral kasi mag ALS na lang ako.
Pagkatapos ay dinala nila ako sa base ng mga NPA pero nagtaka ako kasi ang sabi nila sakin ay papaaralin ako, pero bundok pala ang pinuntahan namin. Pagdating doon pinapatrabaho muna nila ako bilang isang medical ng grupo.
Hanggang umabot ako ng isang taon sa bundok bilang isang medical at hindi na natuloy ang aking pag-aaral sa ALS. Dumating din ung panahon na ako ay hinalay ng Commander ng grupo naming, na tinuring ko pang lolo ko. Binaboy nila ako, sobrang hirap ng pinaparanas nila sa akin sa bundok sa bundok, doon din ako natututong magsinungaling, pansarii lang ang iniisip ng mga NPA, wala silang awa sa mga kapwa miyembro.
Nagpapasalamat ako sa mga sundalong tumulong sa akin para mabago ang aking buhay kahit wala na ang aking mga magulang silang pumalit sa kanila.

Sa mga namumuno at miyembro ng Gabriela, hanggang kelan niyo lolokohin ang mga kabataan nap ag-asa ng bayan? Wala kayong awa sa mga magulang nawalan ng mga anak. Sa mga miyembro ng Gabriela, ipakita niyo dapat sa mga kabataan at mga kababaihan na kayo ay buong pusong tumutulong. Di baa yaw niyong may abusuhin na kababaihan? Bakit kayo sumusuporta sa teroristang CPP-NPA-NDF? Kung handa kayong tumulong ay sana tuparin niyo anag aking hiling na dapat ay tulungan niyo ako sa aking isasampang kaso at hikayatin niyo ang mga kabataan at kababaihan na wag ng sumuporta sa CPP-NPA-NDF. Gamitin niyo sana ang inyong impluwensiya para magabayan ang mga kabataan at kababaihan kung ano ng aba ang mayroon sa CPP-NPA-NDF. Sasabay nating itanggi ang pagsuportsa sa grupo ng mga NPA.
SPONSORED BY:
Sana ay hindi natin gamitin ang aking liham, talino at kaalaman para sa ikakabuti ng panig ng mga NPA, kundi para sa mga inang mawawalan ng anak at mga anak na iiyak dahil mawawalan ng magulang.
Maraming salamat sa pagbibigay ng oras para basahin ang aking sulat at sa pagbigay pansin sa paghingi ko ng tulong.
Muli maraming salamat!”

Source: PTV



SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: