Ayon sa ulat ng News5, naniniwala daw si Department of Foreign Affairts Secretary Teddy Locsin Jr. na si Mayor Sara Duterte ang magiging susunod na presidente pag natapos na ang termino ng ama nito na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ng kalihim ang isang social media post na nagsasabi na si Mayor Sara ang magiging bangungot ng oposisyon sa 2022.
Ang pananaw ni Locsin ay parehas sa naging pananaw din ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo. Magugunita na noong Septyembre ay sinabi ni Panelo na malalagot ang oposisyon pag tumakbo ang mag-ama, si Mayor Sara sa pagkapangulo at si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagka-bise naman.
“Gusto ko itong Presidenteng ito tumakbong bise presidente, sa kanyang tatakbo o pinatatakbo rin na anak na si Mayor Sara Duterte na presidente. ‘Di po ba ang ganda, Duterte-Duterte, oh wala na. Patay ang oposisyon kapag tumakbo itong dalawang ito. Ginawa na nila iyan sa Davao. Mayor si Presidente Duterte at ang Vice Mayor niya ay ‘yung anak niyang si Mayor Sara Duterte. Maniwala ba kayo na noong nagtandem yung dalawa, wala ng tumakbo. Ganoon katindi kalakas… Election is very far from his mind. Running from any office is far fetch at this time. His focus on his constitutional duties to serve and protect the people until the end of his term, he will do it with passion and dedication. And no force on earth or organizations or persons can stop or impede him from doing such task assign to him by the constitution,” paliwanag ni Panelo.
Source: News5 | Archive | News5 | Manila Times | Philstar | PCOO via Ang Malayang Balita
0 comments:
Post a Comment