Isang squad ng New People’s Army (NPA) ang napulbos sa kanilang lungga sa Sultan Kudarat nitong Biyernes nang gamitan sila ng GPS-guided smart bomb ng Philippine Air Force FA-50 jet.
Ayon kay Joint-Task Force Central’s 6th Division Commander Major General Juvymax Uy, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga residente at lokal na opsiyal sa kasundaluhan, natuklasan ang galaw ng mga kalaban.
Matapos ang matagumpay na airstrike ay nagsagawa naman ng ground assault ang mga tropa ng gobyerno kung saan natagpuan ang pinaglulunggaan ng mga rebeldeng komunista.
Nakuha sa blast site ay mga labi ng NPA, 100 bandolier bags, mga parte ng improvised explosive device, computer, generator, mga wasak na armas at dokumento.
Base kay Uy, ito ang kauna-unahanag pagkakatoan na nakubkob ng militar ang Far South Regional Committee base camp matapos ang ilang taong operasyon sa Daguma Range
Source: GMA News
0 comments:
Post a Comment