“Ang mga pondo ay hindi nakapangalan sa NPA, kundi, gumagamit sila ng mga front organizations,”
Sa panayam sa SMNI media outlet, siniwalat ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na may isang religious organization na nagbibigay ng pondo sa rebeldeng New People’s Army (NPA). Ayon sa kalihim, nangagaling daw ang pondo nito sa ibayong dagat at ginagamit sa mga aktibidades ng mga eskwelahang konektado sa mga rebeldeng komunista.
“Mayroon tayong anti-money laundering council. Sila ang tumitingin ng pondo ng mga terorista upang ma-hold, ma-forfeit at ma-freeze. Mayroon na tayong sinapolan diyan. Nakita natin itong Rural Missionary of the Philippines na pinamumunuan ng mga madre na ang taas ng pagtingin natin sa kanila. Ngunit sila pala ang nagpopondo ng Salugpungan schools, yung 75 NPA schools sa Mindanao. Na-frozen ang mga bank accounts nila at mga pondo nila na nanggaling sa Europe. Nalaman natin ang impormasyon na ito sa pamamagitan ng pagmimisyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Naibigay ng Belgian government sa atin ang mga organisasyon na nabibigyan nila ng pondo… Yung perang nakukuha nila ay napupunta pala sa mga NPA schools, itong mga eskwelahan na pinasara natin sa pamamagitan ng Department of Education (DepEd)… Yung pinag-e-eskwelahan ng mga bata na ang pinag-aaralan ay kung paano magalit sa gobyerno, humawak ng armas at sumama sa rally,” sabi ni Sec. Esperon.
Siniwalat din ni Sec. Esperon na ang karamihan sa mga NPA sa Mindanao ay nagmumula sa mga katutubo na nag-aral sa Salugpungan schools.
Source: SMNI
0 comments:
Post a Comment