Kung ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay abala sa paninira sa mga magagandang hangarin ng pamahalaan, todo papuri naman ang namutawi sa bibig ni San Miguel Corporation President Ramon Ang tungkol sa pagpapatupad ng Duterte Adinistration sa mga infrastructure projects. Inudyukan pa niya ang mga Pilipino na pasalamatan ang Presidente dahil sa matatag daw na liderato nito.
“Mga kababayan pasalamatan natin si Pangulong Duterte sa kaniyang strong government. Kung hindi dahil sa strong policy ng gobyerno ni President Duterte, hindi natin nagawa itong right-of-way na ito, hindi natin na-accomplish iyan at hindi matatayo ito… We have the government of President Rodrigo Duterte to thank, for paving the way for the continuous construction of Skyway 3 over the past few years. We believe it will be key to our economic recovery after the pandemic,” sabi ni Ang.
Sinabi ito ni Ang sa pagbubukas ng Skyway Stage 3, ang 18-kilometrong expressway na mag-uugnay sa Makati City at Quezon City. Kung dati ay inaabot ng 2 oras ang biyahe mula sa Balintak sa Quezon City hanggang Magallanes sa Makati, ngayon ay magiging 15 minuto na lang daw ang paglalakbay. Sa pagbubukas ng Skyway 3 sa publiko, hindi muna sisingilin ang mga motoristang gagamit ng kalsada sa loob ng isang buwan.
Ayon kay Ang, makakatulong daw ang Skyway 3 sa pagbawas ng dami ng sasakyan sa EDSA. Napuri rin ni Ang si Department of Public Works and Highway (DPWH) Secretary Mark Villar. Ayon sa bilyonaryo, natatangi daw si Villar kumpara sa mga dating naging kalihim ng ahensiya.
“Salamat din kay Sec. Villar! Napakasipag at napakagaling. Of all public highway secretaries na nakita ko sa buhay ko, he is the best among them ,” dagdag pa ni Ang.
0 comments:
Post a Comment