Saturday, January 30, 2021

Sen. Kiko, Nagbigay daw ng P100,000 sa Anti-DU30 Blogger? Pagbubunyag ng Dilawang Blogger noong 2020!

 


Ngayong huling bahagi ng Abril ay lumantad ang nagpapakilalang anti-blogger na si Dennis Borbon o mas kilala sa tawag na Madam Claudia.

Sa kanyang live video, ibinunyag niya na ang Liberal Party (LP) ang may pakana ng black propaganda laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Direstsahan din sinabi ni Borbon na binabayaran sila ng LP upang magsagawa ng black propaganda.

SPONSORED BY:

Isiniwalat din ni Borbon na may ginagawa ang dating kasamahan niya na oplan tanim fake news para masiraan ang mga sumusuporta kay Pangulong Duterte.

“Di ba tuwang-tuwa tayo noon, Jover (Pinoy Ako Blog), ‘pag nakikita nating may fake news ang mga DDS (Duterte Die-hard Supporters) na napupuna? Alam niyo para tayong mga tanga. Pinupuna natin ang mga fake news nila pero mga tao din natin ang nagbibigay ng fake news sa kanila eh. May mga tao tayo dito sa LP at sa online na nagpapanggap na DDS, gagawa ng fake news at ibibigay sa mga DDS para i-post tapos pupunahin natin. ‘Yung ang totoo… ‘Yun yung Oplan Tanim fake news natin,” sabi ni Borbon.

SPONSORED BY:

Sa kanyang hiwalay na panayam sa radio host na si Byron Cristobal aka Banat By, binunyag ni Borbon na nagbigyan umano siya ni Senador Kiko Pangilinan ng Christmas gift na P100,000 at ginamit daw niya ito sa pagpunta ng Hong Kong.

(Lumaktaw sa 43:44 mark ng video upang mapakinggan agad ang tungkol kay Kiko Pangilinan.)

“Si Kiko Pangilinan (ang pinaka-galante). Nami-miss ko na nga yun (binibigay) niya sa akin. Si Kiko, noong Christmas noong 2016, binigyan ako ng P100,000. Nakapag Hong Kong kami ng joawa ko noon,” pagsisiwalat ni Borbon.

Magugunita na nitong mga nakaraan araw ay nagsalita na rin si Ethel Booba para pabulaanan na siya ang nasa likod ng Twitter account na bumabatikos sa gobyerno. Ipinakita din ni Ethel ng conversation niya sa diumano’y staff ni Senador Kiko Pangilinan. Base sa conversation na pinakita ni Ethel, gusto din daw magbigay ng Christmas gift ni Pangilinan.

SPONSORED BY:

Source: Banat By | Banat by



SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: