Sa isang social media post ay nagbabala si National Task-Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lorraine Badoy sa mga local government officials na magbabalak na magtanggal ng mga anti-NPA taurpaulins. Ayon kay Usec. Badoy, dalawang panig lang ang pwedeng pagpilian ng mga opisyal ng gobyerno, sa panig ng pamahalaan o sa mga teroristang komunista. Ipinaalaala din ni Usec. Badoy sa mga LGU officials na government program ang NTF-ELCAC.
“All over Manila and QC (more to follow) expressions of disgust over the CPP NPA NDF were put up by NGOs and people’s organizations who have had enough of 52 yrs of endless DEATH AND DESTRUCTION, the theft of our children’s LIVES, economic sabotage..
As our President has clearly stated- this anti-CPP NPA NDF program is a government program.
So magkalinawan tayo.
Dalawang panig lang ito, Mayor: sa isang banda, ang panig ng gobyerno at taongbayan.
At sa kabilang panig: ang comunistang teroristang pahirap sa Bayan: ang CPP NPA NDF.
Kaninong panig ka? Pag tinanggal mo ang mga tarpaulin na yan, pwera pa sa baka makatikim ka sa ating Pangulo, alam na ng taongbayan ang pagtatraydor mo sa kanila.
Maliwanag.” banat ni Usec. Badoy.
Hindi pinangalanan ni Usec. Badoy kung sinong government official ang kaniyang tinutukoy. Pero magugunita na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso lang ang alkalde na napabalita na nagpabaklas ng mga anti-NPA posters. Katuwiran ni Mayor Isko, dapat daw magbigayan ng pag-asa sa panahon ng pandemiya.
“Huwag niyo na po ilagay sa Maynila ‘yan Uubusin ko po iyan.
May directive na po ako sa DPS na tanggalin ang mga tarpaulin na ito. ‘Di po natin kailangan ang mga ito sa gitna ng pandemiya. Dapat magkaisa po tayong mga Pilipino,” sabi ni Mayor Isko.
Ang NTF-ELCAC ay binuo sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Layunin ng task-force na wakasan na ang paghahasik ng lagim ng mga rebeldeng komunista.
Source: Usec. Lorraine Badoy | Archive | Philstar
0 comments:
Post a Comment