Saturday, April 10, 2021

"Hindi nagkulang ang Presidente" Doktor, Binanatan ang mga Kritiko ni PDU30!

 


Sa isang social media post, nagsalita ang Doctor na si Dr. Chao-Tiao Yumol laban sa mga bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ipinaalala ni Yumol sa mga kritiko na hindi nagkulang ang Presdiente sa pagbibigay ng paalaala.

SPONSORED BY:

“Gusto talaga nilang pagmukhaing demonyo ang pangulo. Pasensiya na sa mga namatayan sa drug war. Humihingi ako ng dispensa sa mga sasabihin ko.
Hindi nagkulang ang pangulo sa pagbigay ng babala sa mga gumagamit at nagbebenta ng droga.
Bago pa siya naging presidente sinabi niya papatay siya ng mga taong tiwali. Binoto natin.

Nanalo. Nagtokhang, umikot ang pulis sa barangay, hindi pa din kayo tumigil sa pagbenta ng droga.
Sinampolan kayo daming namatay. Hindi pa din kayo tumigil sa pagbebenta ng droga.
Pinagsurrender kayo, nagpalista kunwari,
Pero tuloy pa din sa pagbebenta ng droga.
Sana sa mga pamilya ng drug pusher at user, nasa inyo ang susi para matigil ito eh, problema kinukunsinti ninyo. Kasi nagpapasok ng pera. Tapos pag napatay anak niyo o asawa niyong pusher, iiyak kayo sasabihin niyo hindi nabigyan ng pagkakataong magbago. Kinunsinti niyo eh paano magbabago.
Kahit anong sabihin ng mga dilawan laban sa Pangulo, hindi mawawala ang tiwala ng taong bayan sa kanya dahil ngayon mga adik at pusher ang namamatay at mga pulitiko nasa droga, samantala noon mga batang nirerape ng mga adik ang namamatay.
SPONSORED BY:
Doctor ako, pro-life ako, pero kung kamatayan ng mga salot sa lipunan ang paraan para sa mas matiwasay na komunidad, suportado ko ang tinatawag nilang berdugo ng republika ng Pilipinas dahil ilang beses na din akong nakatanggap ng pasyenteng ginilitan at nirape ng mga adik, at mas gusto kong makitang umiyak ang pamilyabg kunsintidor sa adik, kesa sa mga pamilya ng inosenteng biktima ng adik.”

Ang post na ito ni Dr. Yumol ay umani na ng libo-libong reaksyon mula sa mga netizens. Habang isinusulat ang blog post a ito ay lumagpas na rin sa 1,000 ang nag-share ng opinyon ni Dr. Yumol.

Source: Chao-Tiao Yumol



SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: