Thursday, September 23, 2021

Netizen pinuna ang underpass sa Maynila na naging tulugan na ng mga homeless: "Naging Sampayan na ng mga brip!"

 


Kumakalat sa social media ngayon ang ilang larawan na kuha diumano sa Lawton underpass kung saan makikita ang hindi kaaya ayang kalagayan kalagayan nito.

Matatandaan na isa ang Lawton underpass na inumpisahang pagandahin sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Isko Moreno.

SPONSORED BY:
Ngunit nitong Miyerkules ay ibinahagi ni netizen Edwin Jamora ang mga larawan na diumano’y magpapakita na ginawa ng tirahan ng ilang homeless ang nasabing underpass.



“LAWTON UNDERPASS AS OF TODAY 9/22/21 PIC TAKEN BY ONE OF MY FOLLOWERS WHO WENT TO THE BIR AND PASSED BY THIS PLACE.

“So, what happened to all the fanfare ni Isko nito? Di ba nilinis niya to with all the camera and pretty nice write-up by the Yellow and Communist media?
SPONSORED BY:

“Ang Lawton Underpass pala ay sampayan na ng mga brip. Hahahaha! Tapos gusto maging Presidente?!”  ani Jamora.



Noong nakaraang taon lamang inumpisahan ng kasalukuyang administrasyon ng Maynila ang paglilinis ng ilang underpass sa Maynila.

Hindi pa malaman kung kasama ang nasabing underpass sa mga nilinis ng kasalukuyang administrasyon ng Maynila.

Larawan mula kay Edwin JamoraGigil na gigil naman ang mga tagasuporta ng alkalde kay Jamora dahil sa kanyang ibinahagi sa social media.

May ilan na hindi makapaniwala, ngunit sinabi naman ng ilang netizen na totoo ang mga litrato na ibinahagi ni Jamora.

Napag alaman naman na noong Agosto ay may naganap ng clearing and rescue operation sa nasabing underpass dahil nga tinitirhan na ito ng mga homeless.

Wala pang pahayag ang LGU ng Maynila tungkol sa mga akusasyon ni Jamora.

Sa ngayon ay umabot na ng libo libong shares ang mga nasabing larawan.
SPONSORED BY:




SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: