Wednesday, June 15, 2022

"I will be there, even if I am no longer President, to protect you." - President Rodrigo Duterte

 


“I will continue to operate. Bahala na kung papano, basta I will continue to operate against illegal drugs. Ngayon ‘yung gusto pumasok, I’m warning you, buhay sa buhay lang tayo — either you kill me or I will kill you. Simple as that.”

SPONSORED BY:

Ganito ang ilan sa mga binitiwang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati nang dumalo siya sa commissioning ng Barko ng Pangulo ng Pilipinas Melchora Aquino, ang Multi-Role Response Vessel 9702 ng Philippine Coast Guard (PCG), sa Pier 15 South Harbor in Manila.

Batay sa ulat ng GMA News, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya pahihintulutang mapahamak ang mga kabataan sa ilegal na droga.

“Hindi ko papayagan. Even as ex or former President, hindi ko payagan ‘yang society, ‘yung mga anak natin sisirain mo. P*tang*n*, papatayin talaga kita. Wala akong pakialam,” saad ni Duterte.

“Ang order ko talaga sa inyo noon pa, go out and destroy the apparatus of the drug syndicates in the Philippines. If you have to kill, because you have to protect yourselves from being killed, do it at ako ang nagbigay ng order,” dagdag pa ng Pangulo.

Ayon pa kay Duterte, inaako umano niya ang responsibilidad sa nasabing hakbang laban sa ilegal na droga.

“I will assume full legal responsibility. Akin yan. Akin lang yan. Sinasalo ko lahat. Basta ikaw magtrabaho ka diyan, drug or something,” saad ni Duterte.

SPONSORED BY:

“If the performance is noble and you run into trouble, I will be there, even if I am no longer President, to protect you. Ako ang magsagot. If wala kang abogado, ako abogado ako, I will appear in Court for you. ‘Yan ang guarantee ko sa inyo,” dagdag pa ng Pangulo.

Source: GMA News



SHARE THIS

Author:

0 comments: