Monday, June 6, 2022

Religious Group, Mananagot dahil sa Pagpigil sa Graduation Speech ng Pro-Marcos Blogger!

 


Ayon sa Southern Philippines Institute of Science & Technology (SPIST), pananagutin nila ang mga taong responsable sa paghadlang sa kanilang graduation ceremony.

SPONSORED BY:

Magugunita na naging usap-usapan sa social media ang talumpati ng vlogger / anchor na si Sass Rogando Sasot sa mga graduating student ng nasabing paaralan. Sa naturang pagtitipon, pinatayan lights and sound system si Rogando habang nagbibigay ng talumpati sa mga mag-aaral. Binunyag ni Rogando na hindi raw gusto ng may-ari ng venue na magsalita ang kagaya niyang transgender at Marcos supporter. Ang may-ari ng venue na pinagdausan ng graduation ceremony ay isang religious organization.

Narito ang viral na video kung saan makikita na pinatayan ng ilaw at sound system si Sasot habang nagtatalumpati. Ilang sandali din ay nilapitan ito ng staff ng venue at sinubukan umano na paalisin sa entablado.



SHARE THIS

Author:

0 comments: