Monday, July 10, 2023

Kakai Bautista, inaming crush si Stell ng SB19

 



Crush ni Kakai Bautista si Stell ng SB19.

"Yung SB19 kasi, sobrang na-inspire ako sa kanila nung nalaman ko ang story nila,” lahad ng Dental Diva nitong Hulyo 7, 2023, Biyernes ng gabi sa Beautederm HQ sa Angeles City.

"Naging sobrang fan ako. Tapos si Stell, sobrang nagustuhan ko siya kasi marami na akong kaibigan na nakapag-work with them.

"Kasi, sobrang bait. Saka grabe, ang galing niyang sumayaw! Ang galing niyang kumanta, tapos grabe yung glow up!
SPONSORED BY:

"Tapos ang bait-bait pa, napakasimpleng tao."

Saan kaya aabot ang paghanga niya kay Stell?

"Crush lang to, tsaka fangirl lang ako! Nakikita naman nila yung mga post ko. Fanpage na ba ng SB19 yung page ko?!" bulalas ni Kakai.

"Kasi sobrang fan talaga ako ng SB19. Sobrang-sobrang-sobra. Hindi lang si Stell, sila ding lahat.”

K-pop fan ba siya?

"P-pop ako, pero fan din ako ng K-pop, Blackpink, BTS, ganyan-ganyan. Pero kasi nung nakilala ko yung SB19, sobra talaga," sambit ni Kakai, na isa sa masisigasig na Beautederm brand ambassadors.

NOEL FERRER:
Nagkakilala na ba personally sina Kakai at Stell?

"Nakilala ko siya, pero hindi kami nagkausap. Nagkaroon ako ng chance to meet him in person," kilig-kiligang sabi ng fortysomething singer-comedienne.

"Ayun lang, dumaan lang. Tapos parang yun… hindi ako nakapagsalita. Very fangirl.

"Di ba, pag may idol tayo, di ba, minsan hindi talaga tayo makapagsalita? Sobrang na-starstruck ako.

SPONSORED BY:
"Kahil sila, sa kanilang lima, talagang… sobrang kasing… Kasi, more than anything, gustung-gusto ko yung…

"Kasi artist ako, performer ako. So, nung napanood ko sila, sabi ko, ‘Hala, ang galing! Sobrang galing!’ Sobrang galing talaga.

"More than anything, sobrang galing. And yung passion nila, and yung pinagdaanan nila as artists kaya rin sila umabot sa ganito, grabe, sobrang na-inspire ako."

At least, ha, lume-level up sa artistry ang nagiging crush ni Kakai: from Ahron Villena to Stell of SB19.

At hindi kailangang pangalanan ang bawal pangalanan sa buhay ng Dental Diva!!!

GORGY RULA:
May mga nagsasabing lumaki na ang ulo ng SB19 dahil sa tinatamasang tagumpay.

Napabuntong-hininga si Kakai, "Minsan naman kasi, hindi naman tayo sure din sa mga sinasabi natin.

"Siyempre, di ba, pag nakakarinig lang tayo ng ganun, alam naman kung ano yung totoo saka kilala naman natin sila.

"Basta ako, susuportahan ko sila! Susuportahan ko sila!"

Siyempre, susubaybayan ni Kakai si Stell sa The Voice Generations. Sabi ng Dental Diva, "Ten years na akong walang TV, wala akong cable. Internet lang lahat. Kasi, pag nasa bahay kasi, hindi ko naman nagagamit.

"Natutulog lang ako kasi may work tayo, di ba? Pag nasa bahay, tutulog lang, ganun. So, sige papanoorin ko talaga yun kahit sa YouTube.

"Excited ako para sa kanya, kasi deserved niya.”

SOURCE: PEP.ph



SHARE THIS

Author:

0 comments: