Showing posts with label tito sotto. Show all posts
Showing posts with label tito sotto. Show all posts

Sunday, January 10, 2021

'Wala sa Batas iyan!' Atty. Gadon, Inupakan ang Binabalak ni Sotto na Buhayin ang ABS-CBN Franchise

'Wala sa Batas iyan!' Atty. Gadon, Inupakan ang Binabalak ni Sotto na Buhayin ang ABS-CBN Franchise

 


Nitong pag-uumpisa ng 2021 ay naghain si Senate President Tito Sotto ng panukalang batas upang mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Ayon sa seandor, bumababa na raw ang kalidad ng mga programa sa telebisyon dahil sa pagkawala ng Kapamilya network sa himpapawid. Ang nawawalan daw ng kumpetisyon sa pagitan ng mga mass media dahil ang mga news program ay napapalitan daw ng anime o Japanese Cartoons.

SPONSORED BY:

Kinuwestiyon naman ng kilalang abogado na si Atty. Larry Gadon ang pangangatwiran ni Sotto. Buwelta ni Gadon, hindi tungkulin ng senado ang manghusga ng kalidad ng programa sa telebisyon. Hindi tuloy maiwasan ni Atty. Gadon na ikumpara ang senado sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Giit pa ni Gadon, wala daw sa batas ang ginawang hakbang ni Sotto dahil dapat daw magmula sa kongreso ang mga franchise bills.

“Isa ako sa mga unang-unang nagreklamo do’n sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN. Unang-una, itong hakbang ng senado na ito, wala sa batas ‘yan sapagkat all private bills and franchise bills should emanate or originate from the house of representatives…

Sinasabi ng 6 na mga senador na hindi na raw maganda ang mga programa sa television ngayon nang mawala ang ABS-CBN.

Abah! Kailan pa ginawa na ang konsepto ng Senado ay maghusga kung ano ang maganda na mga TV show?

Dapat sabihan nila ang MTRCB na ayusin ang bagay na ito.

Ganun ba kababa ang role ng senado na mamrurblema sa mga TV shows?

Kung ang nais ay magkaroon ng educational, informative, instructive, cultural, developmental, o may moral development na programa, e di lagyan ng EAT BULAGA ang lahat ng istasyon,” banat ni Atty. Gadon.

SPONSORED BY:

Source: DZAR | Remate


Thursday, January 7, 2021

Hindi Pwedeng Kalimutan ang Violations ng ABS-CBN! Cong. Marcoleta, Rumesbak sa Hakbang ni Sotto!

Hindi Pwedeng Kalimutan ang Violations ng ABS-CBN! Cong. Marcoleta, Rumesbak sa Hakbang ni Sotto!

 




Sa isang panayam ay kinontra ni Congressman Rodante Marcoleta ang hakbang na ginagawa ni Senate President TiTo Sotto para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Ayon sa kongresista, hindi basta pwede kalimutan na lang ang mga naging paglabag ng Kapamilya Network.

SPONSORED BY:

“Nasa 18th Congress pa tayo, hindi pa natatapos ito. Ang napalitan lang ay ang dati nating Speaker na si Speaker Alan, at ngayon ay si Speaker Lord na. Para sa akin, ang statement ng 18th congress ay hindi na namin binigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Hindi naman porke napalitan ang speaker at bagong taon na tayo, ay nakalimutan na natin na ni-reject natin ang franchise ng ABS-CBN,” sabi ni Marcoleta.

Giit pa ni Marcoleta, marami pang isyung kailangan sagutin ang ABS-CBN na hindi dapat limutin na lang. Ilan dito ay ang isyu tungkol sa lupang kinatitirikan ng headquarters ng ABS-CBN sa Mother Ignacia St. sa Quezon City. Ayon pa kay Marcoleta, aabot pa daw sa 1.6 trillion ang dapat bayaran istasyon dahil sa mga paglabag.

Sa hiwalay naman na panayam, binigyan diin ni Anakalusugan Partylist Congressman Mike Defensor na dapat magmula sa kongreso ang panukalang batas para sa prangkisa ng mga mass media.

“Dapat manggaling muna sa amin (sa House of Representatives) at doon nila (sa Senado) tingnan kung ano ‘yong kanilang gagawin. Kasi ang hirap nung sinabi na, o mayroon na kaming bill dito hintayin na lang namin ‘yong sa Kongreso. Hindi po ganoon eh,” saad ni Defensor.

Ngayon umpisa ng Enero 2021 ay naghain si Sotto ng panukalang batas para pagkalooban ng prangkisa ang media giant. Ayon sa senador, tila bumababa na raw ang kalidad ng mga programa dahhil sa pagkawala ng ABS-CBN. Kailangan din daw magkaroon ng kumpetisyon sa pagitan ng mga networks.

“I noticed TV stations have been replacing their news programs with Animes. It means competition is absent and mediocrity is creeping in because of the absence of a strong competitor like ABS-CBN,” boladas ni Sotto.

SPONSORED BY:

Source: DZAR | ABS-CBN | Manila Bulletin | DZAR


Bayaran muna ang 4 Bilyong Buwis! Cong. Defensor, Kinontra ang ABS-CBN Franchse Renewal Bill ni Sotto!

Bayaran muna ang 4 Bilyong Buwis! Cong. Defensor, Kinontra ang ABS-CBN Franchse Renewal Bill ni Sotto!

 


Nitong umpisa ng 2021 ay naging isyu ang paghahain ni Senate President Tito Sotto ng panukalang batas upang mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Ang hakbang na ito ni Sotto ay sinegundahan naman ni Congresswoman Vilma Santos sa pamamagitan ng paghahain naman ng panukalang batas sa kongreso.

SPONSORED BY:

Ang isyu na ito ay agad na sinagot ni Anakalusugan Partylist Mike Defensor. Ayon sa kongresista, mali ang tinatahak na direksyon ng hakbang para buhayin ang prangkisa ng Kapamilya Network. Dapat daw kasi bayaran muna ng istasyon ang P4 billion buwis bago mabigyan muli ito ng prangkisa.

“Kahit nagkaroon pa ng pagbabago ang ownership, dapat sagutin muna ang violations na nakita ng mga committee… Ang Senado ay pwede lamang mag-propose amendments or concur sa mga sa bill na galing sa Kongreso,” sabi ni Defensor.

Giit pa ni Defensor na dapat magmula sa kongreso ang panukalang batas para sa ABS-CBN franchise.

“Dapat manggaling muna sa amin (sa House of Representatives)at doon nila (sa Senado) tingnan kung ano ‘yong kanilang gagawin. Kasi ang hirap nung sinabi na, o mayroon na kaming bill dito hintayin na lang namin ‘yong sa Kongreso. Hindi po ganoon eh,” paliwanag pa ni Defensor.

Si Cong. Defensor ay isa sa mga gumisa sa ABS-CBN noong nagkaroon ng congress hearing ukol sa prangkisa ng istasyon. Sa nasbing pagdinig, lumabas ang isyu tungkol sa unfair labor practices ng kumpanya, tax avoidance scheme, ang hindi dapat paniningil ng ABS-CBN sa block box nito, at iba pa. Dahil sa mga naunkat na paglabag ng istasyon, mayorya ng mga kongresista ang bumoto para ibasura ang franchise application ng Kapamilya network.

SPONSORED BY:

Source: Manila Bulletin | DZAR


Tuesday, November 24, 2020

Smartmatic, Hindi Gagamitin sa 2022 Election? Sen. Sotto, Gagawa ng Paraan!

Smartmatic, Hindi Gagamitin sa 2022 Election? Sen. Sotto, Gagawa ng Paraan!

 


Para kay Senate President Vicente “Tito” Sotto, gagawa daw sila ng paraan upang hindi na magamit ang mga Smartmatic machines sa halalan 2022. Ayon kay Sotto, kuwestiyonable daw ang integridad ng kumpanya para sa nakararamik.

“Ako, hindi talaga ako papayag na Smartmatic pa rin ang gagamitin nila, Hini na puwede iyon. Mag-iisip kami ng paraan kung paano sila maba-ban,” sabi ni Senate President Sotto.

SPONSORED BY:

Suhestiyon ni Sotto na magkaroon ng hybrid election kung saan manual ang pagbibilang ng boto at ang pagpasa ng resulta ay automated.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na may government official na nagsalita laban sa Smartmatic voting-machines. Sa katunayan, maging si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nanawagan na sa Commission on Election (COMELEC) na ibasura na ang voting-machinesng nasabing kumpanya.

“I would like to advise Comelec now: dispose the Smartmatic. Look for a new one, free of fraud… You have 3 years, katatapos lang ng eleksyon. Palitan na ninyo because it is no longer acceptable to the people, to the congressmen, or you — anything that promotes cheating. Why are you insisting on Smartmatic?… I will assure you, I will bring this matter before the nation. And I will tell them: ‘Stop it because you are creating a problem that will explode,'” sabi ni Presidente Duterte.

Magugunita noon na ipinanukala ng Public Relation Strategist na si Franco Mabanta na dapat lumipat na daw ang Pilipinas sa blockchain system. Ang nasabing sistema ay ginagamit umano sa Bitcoin.

“Let’s switch from SmartMatic to a blockchain electoral system by 2025; same tech used by Bitcoin. I’ll be able to prove to you how well it works in 12 months, early enough to make Pulse and SWS irrelevant come the 2022 Presidential elections. It is utterly uncheatable,” ayon kay Mabanta.

Source: News5 | PTV | News5 | Daily Tribune’s Kristina Maralit | Inq | Franco Mabanta | Presidential Communications via Thinking Pinoy

| Inq