Wala sa kulay ng balat, uri ng buhok, edad at galing sa pananalita ang makakalamang sa karapatan upang kumita sa paghahanap buhay ang isang tao.
Ngunit hindi rin maipagkakaila na may mga iilan padin sa atin na tila iba parin ang tingin at di pa tuluyang tanggap ang mga kapatid nating mga katutubong Aeta o ng kahit ano pa mang mga grupo ng mga Katutubong Pilipino.
Idinaan ni Faith Ha sa isang post ang kanyang karanasan at sariling opinyon nang masalamuha ang isang kapatid na katutubong Aeta na naghahanap buhay sa pamamagitan ng pagtitinda ng kaniyang alkansyang yari sa kawayan sa labas ng Divisoria mall, Manila. "He is an old aeta selling a bamboo coin bank outside divisoria mall, please people pag nakita nyo sya bilhan nyo po sya wala namang masama tumulong eh," saad ni Faith.
Kahit pa sa hirap daw ang matanda sa pagsasalita ng tagalog ay patuloy parin siya sa pagsisikap na makabenta ngunit wala di umanong pumapansin parin sa kanyang pag-aalok.
"Masakit makakita ng taong tulad nya 💔 he hardly speak tagalog but he tried his best to sell the bamboo coin bank pero wala talagang pumapansin sa kanya," dagdag niya. "Not because he is an aeta pang mamaliitin na natin or hindi na natin papansinin. Nag hahanap buhay din sya.. please change our mindset people 😌," paliwanag ni Faith.
Marami din sa mga netizen ang naantig sa ibinahaging karanasan ni Faith at sa kanyang buong pusong pagtulong sa matanda:
"Mas gus2 q ganyan bibilihan q tlga yan...kesa don sa mga nag bibigay ng sobre sa loob ng jeep," - Wenden Ezekiel
"I salute you maam faith HA you have a good heart👍👍❤😘god bless you maam.. Natouch ako sa pinost mo," - Ako C Maldita
"My tears drop..poor people who work hard really melts my heart.. I am not rich but lucky to have food daily..i salute and thank u for being so good to this man," - Leseihn ToMe
No one has ever become poor by giving.
-
He is an old aeta selling a bamboo coin bank outside divisoria mall, please people pag nakita nyo sya bilhan nyo po sya wala namang masama tumulong eh. masakit makakita ng taong tulad nya 💔 he hardly speak tagalog but he tried his best to sell the bamboo coin bank pero wala talagang pumapansin sa kanya.
-magkano po tay? him: 120 pero 100 nalang bigay ko, kanina pa kasi walang bumibili saakin. Bigyan kita isa pa kasi ikaw unang bumili sakin.
Binigyan ko sya ng 200 at hindi ko na tinanggap offer nyang bigyan pa ako ng isa at hindi kuna kinuha sukli ko.
Not because he is an aeta pang mamaliitin na natin or hindi na natin papansinin. Nag hahanap buhay din sya.. please change our mindset people 😌
He thanked me two times with smiling face 💕
when you work really hard and you help others, God helps you get what you want. You will find the smiles of those whom you’ve helped. Their gratefulness and prayers of blessings are worth more than a million gems. You will realize that helpings others is the most amazing feeling in the world. ❤️
SOURCE: www.thedailysentry.net
0 comments:
Post a Comment