kumamada ang Pilipinas ng higit kalahating bilyong piso(P525 million) dahil
sa pagdaraos ng 30th Southeast Asian Games sa bansa.
Ang pigura ay mula lamang sa mahigit 7,000 delegado na galing sa iba't ibang
bansa. Ayon sa kalihim, inaasahang mas malaki pa raw ang kikitain ng Pilipinas
dahil mananatili at mamamasyal sa iba't ibang tourist destination ng
Pilipinas ang karamihan sa mga delegado.
Magugunita na bago nagsimula ang SEA Games ay pinukol ito ng iba't ibang
isyu. Mula sa P50 million cauldron na inaangal ni opposition senator Frank
Drilon hanggang sa pagbanat ng mga kritiko sa preparasyon ng SEA Games organizers.
Matatandaang nagbalita rin ang ilang mainstream media outfits ng mga ulat
na nakasisira sa imahe ng SEA Games na kalaunan ay napagalaman na hindi totoo.
Tulad na lang ng litrato ibinahagi ng Inquirer tungkol sa diumano'y football
stadium na gagamitin sa Biñan. Sa ulat ng Inquirer, ginagamit nila ang
litrato ng under renovation na UP football stadium. Ang maling impormasyon
na ito ay nakarating sa kaalaman ng Biñan Information Office at
tinawag agad ang atensyon ng medya company. Dahil sa pagkakamali ay
humingi ng paumanhin ang Inquirer.
SOURCE: citizenexpress.today
0 comments:
Post a Comment