Friday, January 31, 2020

BFF Yaya na nang-agaw ng asawa ng amo, ipadedeport na pabalik ng Pilipinas at posibleng makasuhan

Ayon sa isang ulat ng KAMI, pinoprocesso na umano ang pagpapa-deport sa naging yaya ng anak ni Elloraine Lamb na umagaw din sa kanyang mister.

Sinabi din na sa tulong ng programa ni idol Raffy Tulfo, papauwiin na sa Pilipinas si Maria Salvacion Masayon na ayon sa ulat ay maaring nakaposas pag dumating sa bansa. Naunang naiulat ang paglapit ni Elloraine kay Tulfo para humingi ng tulong tungkol sa nangyari sa kanyang pamilya sa Canada.

Inireklamo ni Elloraine ang pang-aahas ng kanyang matalik na kaibigan sa kanyang asawa sa kabila ng pagtulong nito sa kanya na makapunta ng ibang bansa.

Tinulungan daw niya si Maria Salvacion or Salve na makarating sa Canada at makapag-trabaho upang makatulong sa kanyang pamilya at mapaganda din naman ang kanilang buhay. Nagpasya daw si Elloraine na ayusin ang papel ng kaibigan upang kunin nya bilang nanny o yaya ng kanilang anak para magkaroon din ito ng opportunity at later on ay maging isang ganap ding Canadia citizen.

Kaya naman hindi inaasahan ni Elloraine ang ginawa sa kanya ng matalik na kaibigan na naging bangungot sa kanyang buhay. Nang dumating daw si Salve sa buhay nilang mag asawa ay naging malapit ito kalaunan sa mister ng ginang. Madalas daw niya itong makitang naka shorts ng sobrang ikli at nagsusuot ng manipis na pang itaas. At dahil walang lihim ang hindi nabubunyag, dumating din ang araw kung saan nalaman at nakumpirma ni Elloraine na may relasyon  na nga ang dalawa.

Nang marinig ni idol Raffy ang sinapit ni Elloraine, walang pag aatubili ang kanyang pag tulong sa ginang. Tinulungan ng programa ni Tulfo si Elloraine na maipa-deport si Salve pabalik ng Pilipinas. At ayon pa sa ulat, sigurado din umano na siya ay masasampahan ng kaso pagdating sa Pilipinas.
SOURCE: www.philstar.com

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: