Tuesday, February 18, 2020

11,000 ang mawawalang ng trabaho | Drilon nais patagalin ang prangkisa ng ABS-CBN hanggang 2022

Senate Minority Leader Franklin Drilon, Inihain ang Senate Joint Resolution No. 11 na humihiling na mapalawig hanggang December 31, 2022 ang prangkisa ng ABS-CBN na magtatapos na ngayong March 30, 2020.

Ayon sa panukala ni Drilon, Layunin nito na magkaroon ng sapat na panahon ang mataas at mababang kapulungan para mapag-aralang mabuti ang aplikasyon ng ABS-CBN para franchise renewal. Tinukoy din sa resolusyon ni Drilon na nasa 12 panukala na ang nakahain sa House of Representatives na sumusuporta sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.



Ipinunto pa ni Drilon, na kapag hindi na-renew ang prangkisa ng ABS-CBN ay halos 11,000 mga empleyado nito ang mawawalan ng trabaho.

Masyadong mainit ang usapin tungkol sa pag renew ng franchise ng abs-cbn dahil maraming nag po-post sa social media na nais nila makapag renew ang abs-cbn at kahit pati celebrity. Pero marami din netizen na tutol sa pag renew ng franchise.

Matatandaan na una nang sinabi ni President Duterte na kung siya ang tatanungin hindi nya ito ipapa renew dahil manloloko.

source: philnewsglobal.info

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: