Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na ang ina ang naiiwan sa tahanan upang mag-alaga at magbantay sa mga anak nito habang ang ama naman ang naghahanap-buhay para may makain ang pamilya.
Bihira lamang makakita na ang isang ama ang naiiwan para mag-alaga ng mga anak na kadalasan ay trabaho ito ng mga ina.
Gayunpaman, kinabiliban naman sa social media ang isang ama na karga-karga nito ang kanyang anak sa kanyang likuran habang patuloy ang pagtatrabaho ito.
Viral sa social media at umani ng papuri mula sa mga netizen ang ginawang pagpupursigi ni Vinz Manalo na maitaguyod pangangailangan ng pamilya kahit mahirap ang kanyang sitwasyon.
Sa larawang ibinahagi sa Facebook, mapapansin na abala sa pagtatrabaho sa kusina si Vinz kung saan ay nakatambad sa kanyang harapan ang mga naglalakihang kaldero habang may suot itong apron.
Larawan mula kay Vinz Manalo
Ngunit kahit abala si Vinz sa trabaho sa kusina ay nagagawa parin nitong alagaan ang kanyang anak na sanggol na nakakarga sa kanyang likuran.
Larawan mula kay Vinz Manalo
Kahanga-hanga nga naman ang ipinakitang kasipagan ni Vinz at maganda halimbawa ito para sa lahat ng ama.
Ayon sa caption ng post ni Vinz, sinabi nito na kailangan munang magtiis ng kanyang anak dahil kailangan niyang magtrabaho para may pambili ito ng gatas.
"kapit lng anak ko..kailangan lng talaga mgtrabaho ng papa mo pra my pambili ng gatas mo😍😅" ayon sa post ni Vinz
Napag-alaman na si Vinz ay isang misyonaryo na marangal na nagtatrabaho sa Adventist Hospital Palawan sa Puerto Prinsesa.
Umabot na sa mahigit sampong libong shares at mahigit anim na libong reaksyon sa nasabing post mula sa mga netizen.
Hindi naman maiwasang magtanong ng ilang netizen kung nasaan ang ina ng bata na dapat ay siyang nagaalaga sa kanyang anak habang nagtatrabaho ang ama.
Larawan mula kay Vinz Manalo
Dahil dito ay, sinagot naman ni Vinz ang katanungan ng ilan at sinabing nagkataon lamang na check-up ng kanyang asawa sa pangalawa nilang anak at wala umanong ibang magaalaga sa maiiwang anak kung kaya ginawa niya ito.
Gayunman, inulan parin ng papuri ang ginawa ni Vinz at sinabi pa ng mga ito na dapat tularan ng ibang ama ni Vinz na handang magbantay sa anak sa oras ng ganitong sitwasyon.
Hindi naman maiwasan ng ilang netizen na mag-alala sa bata dahil maaari umano itong mainitan at masugatan sa kusina habang karga-karga nito ng kanyang ama.
Gayunman, mas nangibabaw parin naman ang natanggap na papuri ni Vinz dahil sa pagiging mabuting ama sa kanyang anak na dapat tularan ng ibang ama.
Basahin ang ilang komento ng netizen sa ibaba:
Rowena Fabian Nakaka inspire ka kuya sana all father ganyan..saludo ako sau kuya🙋🙋
Ngo Oi Le i salute u sir...may paninindigan ka....nkkahiya nmn sa mga batugan jan...
Ester Abad At least inaalagan niya anak niya d xa nang aabala kudos sau bro😊
****
Source: Vinz Manalo / Facebook
0 comments:
Post a Comment