Wednesday, March 25, 2020

COVID-19 sa bansa? - Former Solicitor General Hilbay to Pres. Duterte: “You didn’t do anything!”..



Sa twitter post ni Hilbay, sinabi nito na marami umanong pagkakataon na pwedeng pigilan ni Pangulong Duterte ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.
Isa na umano jan ay ang pagpapatupad umano sana ng Pangulo ng travel ban galing sa China at pagpapamahagi ng impormasyon tungkol sa naturang virus.
“Sir, don’t make it appear as if you were powerless prior to the Special Powers Law given by Congress. You had all powers to impose a travel ban on China, inform Filipinos, & prepare all institutions of government as early as January. You had enough funds,” pahayag ni hilbay.
“YOU DIDN’T DO ANYTHING” dagdag pa nito.
Matatandaan na inulan ng batikos si Pangulong Rodrigo Duterte matapos umano nitong hayaan na makapasok ang mga Chinese sa bansa kahit na lumala na ang sitwasyon sa Wuhan, China.
Nagpatupad ng travel ban si Pangulong Duterte matapos ideklara ng World Health Organization na ang COVID-19 ay isang Public Health Emergency of International Concern.
Kahit na binatikos ni Hilbay si Pangulong Duterte, pinuri rin nito ang Pangulo matapos ang kanyang ‘well-mannered’ speech tungkol sa ‘Bayanihan to Heal as One Act’ na batas na kanyang pinirmahan.
Ayon kay Hilbay, isa umano itong produkto ng pagbabatikos sa pananalita ni Pangulong Duterte lalo na sa kanyang mga talumpati.
“The President’s speech last night was impressive–sumunod sa script, walang mura at yabang. It was the clearest display of the power of free speech and public criticism: narinig nya ang galit at sama ng loob ng mga tao,” ayon pa kay Hilbay.
“So if you think speaking out does nothing, think again,” dagdag pa nito.
Source: NewsClicks.info

Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: