Wednesday, March 25, 2020

'Wala kaming Superpowers! Pag Naubos ang Doktor, 'Walang Gagamot sa inyo!' Doktora, may Malakas na Mensahe

“‘Pag naubos ang mga doktor, walang gagamot sa inyo. Kawawa tayong lahat. Kawawa ang mga doktor pero kawawa din kayo. Mauuna lang kami ng kaunti pero kayong lahat mauubos tayo. Walang titingin sa inyo,”


Sa isang panayam sa media, nagsalita si Dr. Rowena Mangubat ng Philippine National Police Regional Advisory Council upang manawagan na maipatupad ng mahigpit ang enhance community quarantine.
Ayon pa sa doktora, ang unang pwedeng mawala sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (covid-19) ay ang mga medical professionals na tulad niya na nakaharap bilang frontliners.
Tingin ni Dr. Mangubat, hindi pa natatakot ang mga tao sa Pilipinas. Kaya nagbabala ito sa mga matitigas ang ulo. Binigay niyang halimbawa ay ang nangyari sa Italya kung saan matitigas ang ulo ng mga tao.

“Kung mauubos ang doktor dahil hindi kayo nananatili sa bahay, mauubos ang doktor, maaubos kami, pati kayo… Pati ang mga pulis na-e-expose… Ganoon ang Italy. Asan sila? Matigas ang ulo nila,” sabi ni Dra. Mangubat.

Nanawagan din si Dra. Mangubat sa mga local government units (LGUs) na ibigay na sa mga tao ang pagkain para wala nang maging dahilan upang lumabas ang mga residente sa knai-kanilang tahanan.
Hindi na rin daw ito panahon ng pamumulitika. Hindi rin daw dapat tinitignan ang relihiyon at kung anuman ang katayuan sa buhay. Dapat kumilos ang bawat isa para malabanan ang pagkalat ng sakit.
Para kay Dra. Mangubat, wala raw pupuntahana ng Pilipinas kung hindi matututo sa ginawa ng China.


“If we do not learn from China then wala tayong pupuntahan. Sa kanila, walang politics dahil isa lang ang nagde-decide. Pero dito, kasi kinokontra ng kinokontra, itong nag-i-initiate nagdadalawang-isip dahil baka matira sila ng mga kumokontra. Que doktor ka, que politician ka, tatamaan ka. Kaya dapat i-implement ‘yung enhance quarantine,” paliwanag ni Dra. Mangubat.

Ang magiging bahagi raw ng mga ordinaryong Pilipino sa panahon ng krisis sa kalusugan ay ang pananatili sa bahay at hayaaan ang mga katulad niyang health professionals na pigilin ang pagkalat ng sakit.


Source: Theofilus Luna Santos
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: