Saturday, March 28, 2020

'DOH, Hinaharang ang Medical Mission mula China' - DFA Sec. Losin

Naglabas ng buwisit si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr. sa kanyang social media account ngayong umaga. Ipinagpupuyos ng kalihim ang diumano’y pagharang ng Department of Health (DOH) sa medical professionals na galing China. Nakausap na raw ni Secretary Locsin ang ambassador ng China pero pinipigilan daw ng DOH ang pagdating ng mga doktor mula sa nasabing bansa.

“I ASKED AMB. HUANG to send us Chinese doctors. Interpreters are no problem: Chinese General Hospital and the Metropolitan Hospital—where Yuchengcos had equity, my daughter was born there—will readily supply them. BUT DOH is blocking their arrival. DON’T PISS ME OFF. LET THEM IN,” sabi ni Sec. Locsin.

Ayon sa CNN Philippines, pansamantalang hindi pinapayagan ang mga banyaga sa ating bansa dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (covid-19).
Sa nakalipas na mga araw, naibalita na bumagal na ang pagkalat ng covid-19 sa China. Ngayon ay mas marami ng kumpirmadong kaso ng covid-19 sa Estados Unidos kumpara sa Italy at China.
Pumalo na sa lagpas 27,000 ang nasasawi dahil sa covid-19 na nagsimula noong Disyembre 2019 sa China. Sa kasalukuyan ay umabot na sa higit, 600,000 na ang nahahawaan sa sakit, ayon sa Johns Hopkins University’s COVID-19 global tracker.

Sa Pilipinas naman ay may naitala ng 803 na covid-19 cases at 54 sa mga ito ay pumanaw na. Habang ang 31 naman ay gumaling na sa nasabing sakit.
Ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines Inc, 9 na doktor na daw ang nasasawi dahil sa covid-19.

Ilan sa mga ginawa na ng ating pamahalaan para mapigilan ang mabilis na pagkalat ng covid-19 sa ating bansa ay ang pagkansela ng mga klase sa mga paaralan at pagpapatupad ng enhance community quarantine sa buong Luzon. Nagdeklara na rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng “state of Calamity” sa buong Pilipinas.

Source: Sec. Teddy Locsin | CNN Philippines
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: