“On behalf of the people of Manila, Mr. President Rodrigo Roa Duterte, happy birthday po. Ngayong kaarawan ninyo, nasa krisis tayo. Ang tanging maibibigay namin sa inyo ay maisama namin kayo sa dasal na sana ay mabigyan kayo ng Diyos ng malusog na pangangatawan, at kakayanan, at katatagan sa kinakaharap ng ating bansa. Happy birthday Mr. President. We wish all the best and thank you for being there,” sabi ni Mayor Isko.
Nanawagan din si Mayor Isko sa mga kasamhan niya sa local government units (LGU) na suportahan ang national government sa paglaban sa krisis na dala ng coronavirus disease 2019 (covid-19).
“I can’t imagine how hard for you nowadays handling 7,100 island in the country. All are susceptible or will be put in danger by this so-called covid-19 virus. Alam kong mahirap ang kinakaharap niyo Mr. President. But I know for a fact in one way or another, God gave you that position. The guy from the south, a Mayor of 1,630+ municipalities and city became the President. So there must be a reason for you to be there,” ani Mayor Isko.
“We assure you Mr. President, in our own little way we will cooperate. We will be part in how to ease your burden in the national government. We will be there in our own little way. Tutugon kami sa panawagan niyo habang pinapanood kita about solidarity. Umasa kayo kahit hindi man tayo makakapartido, kaisa niyo kami Mr. President. ‘Yun ang regalo namin sa inyo. Ang mapagaan lang namin ang iyong pag-iisip at pag-aalala sa pagmamalasakit ninyo sa mga kababayan natin sa lungsod at sa buong bansa,” dagdag pa ng Punong Lungsod ng Maynila.
.
Source: Daily Tribune | Mayor Isko
Loading...
0 comments:
Post a Comment