Friday, March 20, 2020

Mag-isip ka kung Paano Tutulungan si PDU30!" Leni, Boljak kay Religious Leader Bro. Eli!

Hindi nagustuhan ni Members of the Church of God International (MCGI) at Ang Dating Daan (ADD) leader Brother Eli Soriano ang patuloy na pagbatikos ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa gitna ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (covid-19) sa Pilipinas.
Sa isang video, sinegundahan ni Bro. Eli ang naging pasya ng pamahalaan na pakilusin ang militar para sa isinasagwang enhanced community quarantine.

Ayon pa sa religious leader, nauunawaan niya ang bigat ng problemang hinaharap ni Pangulong Duterte kaya inudyukan niya ang mga kritiko ng administrasyon na makipagtulungan na lang.
“Ang masasabi ko lang sa mga kontra-partido ni Presidente Duterte, sana kalimutan niyo na muna yung politika, eh bakit kailangan ng sundalo? E mayroong matigas ng ulo kaya kailangan nga ng sundalo, hindi naman para pagmalupitan ang tao, para lang hindi mapigil ang pagkalat ng virus,” sabi ni Soriano.

Tila nakatikim naman ng sermon si Vice President Leni Robredo kay Bro. Eli.
“Yung mga politiko sana wag na po kayong tutol ng tutol, makipag cooperate na kayo, gusto ko sanang humingi ng personal na pakiusap sa Bise Presidente, kasi tuwing magpapahayag ang Bise Presidente eh it seems na para sa akin ay palagi siyang kontra kay Presidente Duterte…
Kaya nga nalagay siyang Presidente ay niloob ng Diyos, imbis na kontrahin natin ng kontrahin ay ating tulungan, mag isip ka kung paano ka makakatulong Bise Presidente, na hindi lagi ang deklarasyon mo kontra sa Duterte administration, kalimutan na muna natin ang politika, Bise Presidente Robredo, sumama ka sa panalangin,” sermon ni Soriano.



Source: Eli Soriano

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

1 comments:

Anonymous said...

This is a religious leader with thousands of followers. Most religious leaders are supporting Duterte. Leni's actions in these times of crises only decrease her party's chances for this coming 2022. Contradicting the efforts of our government in this pandemic will not only flush your party mates to the inidoro but straight to the poso negro. Good luck!