Thursday, March 19, 2020

Lugar na Pinagmulan ng Coronavirus, ZERO na sa Domestic Infections!

Matapos ang ilang linggong pakikipaglaban sa coronavirus disease 2019 (covid-19), inanunsyo ng China na wala nang naitalang bagong inpeksyon sa Wuhan City, ang lugar na pinaniniwalaang pinagmulan ng covid-19.
Magugunita na noong kasagsagan ng pananalasa ng sakit, napilitan ang gobyerno ng China na magpatupad ng transport lockdown sa syudad upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Ilan sa mga ginawa ng pamahalaan ng China ay ang pagbabawal sa mga public gatherings.
Sa kabila ng pagbuti ng sitwastyon sa Wuhan, pinangangambahan na baka magkaroon ng second wave ng coronavirus infections dahil sa mga bumibisita sa China mula sa ibang bansa.
Kamakailan lang ay dineklara ang Europe na bagong epicenter ng cornavirus.

“Europe has now become the epicentre of the pandemic, with more reported cases and deaths than the rest of the world combined, apart from China… More cases are now being reported every day than were reported in China at the height of its epidemic,” sabi ni Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus noong ika-13 ng Marso.
Ayon sa isang foreign media, umabot na sa 475 ang nasasawi sa loob lang ng isang araw sa Italy. Isa sa mga tinitignang posibilidad maraming porsyento ng mga matatanda sa polpulasyon sa naturang bansa.


Sa kabila ng mabilis na pagkalat ng sakit, isang mabuting balita naman ang umusbong. Irerekomenda ng gobyerno ng China na gamitin ang Avigan (Generic Name: Favipiravir) na gawa ng Fujifilm Global upang ipanlaban sa covid-19 infections. Ang gamot ay ginawa pa noong 2014 pero naging mabisa daw laban sa coronavirus.
Base sa pahayg ni China National Center for Biotechnology Development Zhang Xinmin, natuklasan ng dalawang medical organizations na naging epektibo ang gamot pangontra sa covid-19. Hindi rin daw ito nakitaan ng obvious side-effects. Umayos daw ang pakiramdam ng baga ng 91 porsyento ng mga pasyenteng nabigyan ng gamot.

“It has a high degree of safety and is clearly effective in treatment,” pahayag ni Xinmin.
Source: Manila Bulletin | BBC | Washington Post | BBC | NHK | Nikei

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: