Saturday, March 21, 2020

Mga Kabataang Lumabag sa Curfew, Ikinulong sa Kulungan ng Aso!

Nahaharap ngayon sa reklamong child abuse o Violation of Republic Act 7610 ang kapitan ng barangay na si Frederick Panisan Ambrocio matapos nito ikulong sa kulungan ng aso ang dalawang grade 10 at mga kasamahan nilang lumabag sa ipinatutupad na curfew.
Nagtungo nito lang Marso 20 ang mga magulang ng mga menor de edad sa Sta. Cruz Police Station para maghain ng pormal na reklamo laban sa punong barangay.
Base sa salaysay ng mga menor de edad, mga alas-10 daw ng gabi ng sitahin sila ng mga tauhan ng barangay habang papunta sila sa bahay ng kanilang kaibigan. Kasama daw nila ang tatlong lalaki na mas matanda sa kanila. Inimbitahan daw sila sa barangay hall at dito daw nila nakaharap si kapitan Ambrocio. Pinagbantaan daw sila na babarilin kung hindi papasok sa kulungan ng aso. Tumagal daw sila ng 30 minuto sa kulungan ng aso at pinalaya lang nang magmakaawa sila kay kapitan.
Inamin naman ni Kapitan Ambrocio ang ginawa niya sa mga lalaki at humingi na rin siya ng pasensiya sa nagawa. Depensa naman ng Punong Barangay, lasing daw ang mga kabataan at minura-mura pa raw ang mga tanod na sumita sa mga ito.
Ang larawan ng mga lalaki na nasa loob ng kulungan ng aso ay lumabas sa Facebook page ng Santa Cruz Cityhood noong Marso 19. Kalakip ng larawan ay ang pahayag ni Kapitan Ambrocio.

“Dahil po sa pag-uutos ng ating Pangulo DU30 laban sa kumakalat na COVID-19 virus, kami po ng aking mga konsehal, barangay tanod, katuwang po ni Adminstrator ay agarang nagpatupad ng curfew sa itinakdang oras sa walang pinipiling edad.
Kasabay po nito ang aming panghuhuli ng mga asong pagala-gala.
Ang mga nasabing mga kabataan ay amin pong sinita para magsiuwian na.
Sa madaling salita po, sila po ay tumanggi sa aming pinag-uutos at ang masakit po du’n, kami po ay sinabihan ng mga kabataan na ito na mga lasing ng ‘MGA GAGO KAYO HINDI NA KAMI MENOR’ at inulit pa po ito ng tanungin namin sila ng ‘SINONG GAGO?’ na sinagot uli nila ng ‘KAYONG MGA BARANGAY!’
Sa amin, kapitan, konsehal, tanod at sa bumubuo ng sanggunian, sa kabila po ng pagod, gutom at puyat para lang maipatupad ang batas para maging maayos at ligtas ang lahat ay makakarinig pa ng mga ganyang salita sa mga taong walang simpatya!!!! KAYO NA PO ANG HUMUSGA!
Muli po…ako po, kami po ay humihingi ng paumanhin, pang-unawa att higit sa lahat ay RESPETO!
Mula po sa akin at sa aming mga puso, sorry po talaga sa mga nangyari.Salamat po at God bless. Sana po ay malampasan natin ang mga krisis na ito,” sabi ng Punong Barangay.



Source: PEP | Archive | GMA News

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: