Saturday, March 21, 2020

Crime Rate sa Metro Manila, Bumagsak ng 80%!

Lumagapak ang bilang ng crime rate sa buong Metro Manila nang simulan ang community quarantine, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas.

“Malaki po, 80% po ang ibinaba ng crimes… There is a decrease, we are observing it kasi nga walang tao sa kalye, walang ganon pero despite of everything nanghuhuli pa rin ‘yung tao natin ng mga nang-aabuso para po mapigilan po sila… Despite na naggagawa tayo ng quarantine, may mangilan-ngilan lang naman ‘yan but we assure you, mababa po talaga ang crime natin,” sabi ng opisyal ng Philippines Nationa Police (PNP).

Nakatulong umano ang pananatili ng mga tao sa kani-kanilang tahanan at ang mga checkpoints na pinapatupad ng kapulisan.
“Bumaba ang criminality rate with the 1,300 checkpoint in placed all over Luzon and more than 10,000 personnel,” saad naman ni Philippine National Police deputy chief for operations Police Lieutenant General Guillermo Eleazar.

Magugunita na nagpatupad si Pangulong Rodirgo Roa Duterte ng “enhance community quarantine” sa buong Luzon upang malabanan ang mabilis na pagkalat ng coronavirus disease 2019 (covid-19). Kalunan ay isinailalim naman ng Presidente ang buong Pilipinas sa “State of Calamity”.
Magugunita na noong nagpatupad ng quarantine ang gobyerno ay may ilang sektor na umalma dito. Ilan sa mga ito ay ang mga makakaliwang grupo tulad ng Kabataan party list.

“Ang mga kabataan na tinatanaw niyong bilang pag-asa ng bayan, saan niyo kami ilalagay sa panahon ng krisis sa kalusugan? Sa paaralan ho ba? Hindi na ho dahil suspended na po ang mga klase. Isang buwan po na hindi na magkaklase ang mga kabataan. Ngunit ano ang problema dito? Napaaga po ang aming bakasyon. Wala man lang plano kung paano namin ipagpapatuloy ang aming pag-aaral sa gitna ng ganitong klase ng krisis,” sabi ng babaeng sa video ng Kabataan Partylist.


Source: GMA News | Inquirer | Kabataan Partylist

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: