Wednesday, March 18, 2020

Sa Wakas! "Avigan Drug na Gawang Japan, Epektibo laban sa Coronavirus!"-China




Kung nitong mga nakakaraang araw ay puro nakapanlulumong balita ang lumalabas sa media dahil sa patuloy na pag-akyat ng bilang ng mga kababayan natin na nahahawaan ng coronavirus disease 2019 (covid-19), ngayon ay mayroong liwanag na nakikita sa gitna ng suliranin.


Inirerekomenda ng gobyerno ng China na gamitin ang Fujifilm Global’s flu medicine Avigan (Generic Name: Favipiravir) para panlaban sa covid-19 infections. Ang gamot ay ginawa pa noong 2014 pero sinubukan laban sa coronavirus.

Ayon kay China National Center for Biotechnology Development Zhang Xinmin, sa mga isinagwang clinical trials sa naturang gamot, natuklasan ng dalawang medical organizations na naging mabisa ito. Wala rin daw itong obvious side-effects.

Bumuti dind aw ang kondisyon ng baga ng 91 porsyento ng mga pasyenteng nabigyan ng medisina.

“It has a high degree of safety and is clearly effective in treatment,” pahayag ni Xinmin.
Ang naturang gamot ay ibinibigay na sa mga coronavirus patients sa Japan simula pa noong Pebrero 2020. Ang mga pasyenteng positibo sa covid-19 ay nagnenegatibo sa loob ng ilang araw matapos mabigyan ng Avigan. Ang gamot ay inahahanda na para i-mass produce.

Source: NHK | Nikei | US National Institutes of Health – US National Library of Medicine

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: