Wednesday, March 25, 2020

Sen. Koko, Lumabag sa Quarantine Protocol! Ospital, Nagsalita na!

Ngayong araw ay naglabas ng pahayag si Senador Koko Pimentel patungkol sa pagiging positibo niya sa coronavirus disease 2019 (covid-19).

Kasabay ng kanyang pahayag ay nagsilabasan ang mga usapin na nilabag umano ng senador ang qurantine protocols. Magugunita na dinala ni Sen. Koko ang kanyang asawang manganganak sa ospital kahit na siya nakaramdam na ng sintomas ng covid-19.
Ngayon ay naglabas na ang Makati Medical Center ng pahayag tungkol sa nangyari. Ayon sa pamunuan ng ospital, mariin nilang kinukundina ang ginawang paglabag sa patakaran ni Senador Pimentel.

Nang dahil daw sa ginawa ng mambabatas, lalong mababawasan ang workforce ng ospital dahil kakailanganin isailalim ang ilang doktor at nurse sa quarantine.



Source: Makati Medical
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: