Monday, March 30, 2020

'Very Promising!' Anti-Flu Drug na Gawang Japan, Tinitignan Panlaban sa COVID-19 ayon sa DOH Official!

Ayon sa Department of Health (DOH) official, tinitignan na nila ang Japanese anti-flu medication bilang panlaban sa coronavirus disease 2019 (covid-19).

“Very promising po siya, mukha po talaga siyang sa ngayon sa mga anti-viral ay ito po ang parang medyo directed po ang treatment towards talagang [sa] COVID-19… Of course… this is a very early development drug, at nakita po na meron siyang positive response sa mga pasyente sa kanya,” sabi ni Health Undersecretary Eric Domingo.

Ang tinutukoy na gamot ni Usec. Domingo ay ang Avigan. Ang problema lang daw ay hindi pa ito ginagawa para sa commercial quantity at wala pang distributor.

“Kasi nga dinedevelop pa, wala pa po siyang production in commercial quantity pero tinitingnan din po natin kung pano siya maipapasok sa Pilipinas,” paliwanag ni Usec. Domingo.
Magugunita na positibo din ang tugon ng Ministry of Science and Technology ng China sa favipiravir, isa sa mga aktibong sangkap ng Avigan. Maganda din daw ang naging clinical results sa mga isinagawang clinical trials dito.Ang Avigan ay ginawa ng subsidiary ng Fujifilm.
Sa pinakahuling tala nitong Linggo, umabot na sa lagpas 600,000 ang kaso ng covid-19 sa buong mundo at humigit-kumulang 30,000 na ang nasasawi ayon sa World Health organization.
Bukod sa gamot na Avigan ng Japan, gumagawa ang mga researchers mula sa Amerika ng bakuna laban sa covid-19. Noong ika-16 ng Marso lang ay sinubukan na ang nnaturang bakuna sa volunteer na si Jennifer Haller.

“We’re team coronavirus now… Everyone wants to do what they can in this emergency… We don’t know whether this vaccine will induce an immune response or whether it will be safe. That’s why we’re doing a trial… It’s not at the stage where it would be possible or prudent to give it to the general population,” sabi ni Kaiser Permanente Washington Research Institute study leader Dr. Lisa Jackson.

Source: GMA News | LA Times
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

0 comments: